Flashback 7: Secret Friends?

1K 25 0
                                    

ARA’s POV

Yan tayo Victonara! 11:30 na! Patay ka ngayon! Nakikita mo yung dalawang paikot ikot sa harap ng dorm? Nakikita mo? Ara! Oo na kita ko na! Ano tutuloy pa ba ko? Uwi na lang kaya ako sa bahay? Shungak! Kung uuwi ka e di masmag-aalala yang dalawa sa’yo! And take note marami pa yan sa loob. Huhu Naman ih!

ARA: Uhmmm Daks…Rex… Bakit kayo nagcha cha dito sa labas? Ang lamig kaya. (smiles)

Napalingon si Mika at Rex.

Eto na ang moment of truth! Sisigaw na sila…

Niyakap ni Mika si Ara.

MIKA: Daks. San ka galing? (naluluha) Kanina ka pa namin tinatawagan. Pinuntahan ka namin sa huling klase mo absent ka naman. Daks.

REX: Ars. *sigh* buti na lang andito ka na. Pagod ka na ba? Kumain ka na ba?

Shit! Makonsensya ka Victonara. Masokay pa kung sinigawan nila ako eh pero halatang halata sa mukha nila ang pag-aalala. Nakuha mo pang magjoke!

ARA: Pa-sensya na Daks, Rex. (naiyak)

REX: Okay lang. Pumasok na kayo parehas sa loob. Nag-aaalala na rin yung iba sa’yo. (hugs Ara) Okay lang. Maiintindihan ko kung di mo sasabihin. Wag ka lang ganito nasasaktan akong umiiyak ka. (pinunasan ang luha at hinalikan ang noo ni Ara) sige na baka magkasakit ka pa.

Ang tanga mo Ara! Paano mo nakukuhang saktan ang dalawang taong pinahahalagahan ka ng lubos para sa isang taong di ka mahal? Pero kung sasabihin mo ang totoo maslalo silang masasaktan. (T.T) Hindi mo deserve ang ganitong treatment mula sa kanila.

MIKA: Daks oh (inilagay yung jacket kay Ara) Nilalamig ka na.

ARA: Da-aks. (umiiyak tapos napaupo na sa harap ng pintuan bago pa sila makapasok)  Ang sama *sobs* ko par *sobs* para itrato niyo ko ng ganito.

MIKA: Wag kang ganyan *sobs*(nakaluhod na niyakap si Ara sa likod) Di ko kayang ganito ka Daks *sobs* Pumasok na tayo. (itinayo si Ara)

Pumasok na sila sa loob. Gising pa lahat ng Lady Spikers at ng makita nila si Ara nagtakbuhan palapit sa kanila

ABI: Anak san ka galing? Okay ka lang ba? Bakit ka umiiyak?

MICH: May masakit ba sa’yo bunso?

ARA: Eh ka-si *sobs* Sorry po *sobs*

WENSH: (hinihimas si Ara sa likod) wag ka ng umiyak. Girls tulog na kayo. Maaga pa tayo bukas para sa training din. Wala na lang magsasabi kay coach ng nangyari ngayon. Ara. Okay lang. Sige na pahinga ka na.

CIENNE: Tara bully sa kwarto.(Inalalayan si Ara)

Kinabukasan…

MIKA’S POV

Maaga akong nagising ngayon siguro medyo nag-aalala pa rin kasi ako sa nangyari kay Daks kagabi. Pinagluto ko siya ng mga paborito niyang pagkain. Tapos nakababa na rin ang lahat bukod kay Daks na hindi muna ginising ni Cienne dahil baka daw pagod ito.

WENSH: Girls usap tayo.

Lumapit lahat kay Wensh

WENSH: Girls. Wag na nating kulitin si Ara kung anong nangyari kahapon. Hayaan na lang natin siya ang magkwento kung gugustuhin niya. Okay lang ba sa inyo yun?

Lahat naman ay tumango

KIM: (lumapit kay Mika) Oh ikaw! Ang aga mong nagising kanina. Yan pala pinagluto mo pa si Ara baka nakakalimutan mo na nagmomove on ka na sa kanya. Wag mong sabihin babalik ka na naman sa dati mong nararamdaman. Ikaw din masasaktan ka lang.

Forgotten You (Ara Galang and Thomas Torres Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon