ARA’s POV
(nagising) Asan ba ko? (tiningnan ang buong paligid nakitang may dextrose sya) Ospital ba to? Parang kwarto naman. Huhu. May kumidnap ba sa akin? Charot ka Ara! Bakit naman ako aalagaan ng kikidnap sa akin. Ano kayang oras na? Cellphone, watch asan na kayo? Huhu Asan na rin yung iba kong gamit? Patay na naman ako nito eh. Wait parang may nag-uusap sa labas. (Inalis yung dextrose tapos sumilip sa may pintuan-mayroong nakatalikod na babae tapos may kausap na doctor)
DOC: Oh pano uuna na ko ha? Ikamusta mo na lang ako sa mommy at daddy mo. Tsaka yung sabi ko para dyan sa kaibigan mo. 3 days rest okay?
GIRL: Sorry Doc naabala pa kita ng ganitong oras. Nataranta na kasi ako eh dapat dadalhin ko sya sa ospital kaso yung una naming napuntahan pinag-iintay pa kami. Kita na ngang nahimatay na yung kasama ko tapos mag-iintay pa kami. At tsaka doc ako ng bahala sa 3 days rest ni Ara. Ikukulong ko kung aayaw. Haha. Salamat po ulit.
Huhu ikukulong daw niya ko dito. Baka di na ko makalabas dito. Di naman sa nagmamaganda ako pero baka fan ko to na di na ko pakakawalan. Huhu mama at papa wag niyo na po kong ipahanap. Maging masaya sana kayo kahit wala ako. (Humarap yung girl sa pintuan kung saan nakasilip si Ara)
ARA: (O.O)
GIRL: Oh gising ka na pala Ara! Kamusta ka na? At tsaka parang nakakita ka ng multo? Haha
ARA: (close eyes, open eyes, close eyes, open eyes) Ikaw ba talaga yan Bang?
BANG: Hahahaha Ako nga. May iba ka pa bang kilala na ganito din ang hitsura?
ARA: Waaaaaaaaaaah! (tumakbo tapos yumakap kay Bang)
BANG: Grabe Ars di ako makakahinga niyan eh. Haha.
ARA: Eh kasi naman. Huhu. Ang tagal mong di nagpakita. Tapos yung mga pagkikita pa natin sa court lang. Tapos ngingitian mo lang ako. Huhu. Namiss kita. Sobra.
BANG: Eh paano ba naman kita kakausapin baby eh ang hirap kaya. Baka kasi pagnilapitan kita bigla mo kong iwasan. Alam mo naman di ba? Ex mo ko. Alam ko naman na 1 month lang yung naging atin kaso kasi di ba napilitan ka lang naman. Tamo nga ngayon ayaw mong pinagkakamalan kang lesbo.
ARA: Eh ka-si di naman sa ganoon. Yung atin noon di ko pinagsisihan yun. Totoong minahal kita noon. Kaso kasi…
BANG: Nagkagusto ka kay Thomas.
ARA: Oo eh. Sorry sa lahat baby. :(
BANG: Haha baby pa rin itatawag mo sa akin? Tsaka okay na yun noh! Bago pa tayo magcollege non.
ARA: Ayaw mo na ba? Kahit naman before naging tayo baby na tawag ko sa’yo di ba?
BANG: Hahaha okay lang sa akin noh! Ikaw baka may magalit sa akin kapag tinawag kitang baby.
ARA: Wala noh. Baka sa akin ang may magalit.
BANG: Hala ka. Meron. Hahaha Joke lang. Wala pa sa ngayon. Hahaha
ARA: Hala di na lang kita tatawaging baby. :(
BANG: Haha sira! Merong nanliligaw sa akin ngayon pero di pa kami. Nasa states nga siya ngayon eh. Nakakamiss. Tsaka alam niya lahat nung naging atin kaya nga ko pumunta ng dlsu para kausapin ka na. Siya yung nagtulak sa akin para kausapin ka.
ARA: (niyakap si Bang) Sobra kitang namiss.
BANG: Ako rin naman. Kaya nga naglakas loob na kong puntahan kita sa school mo eh. At tsaka pala wala ka bang nalilimutan?
ARA: Ha?
BANG: Ehem ehem. School? Practice? Rex? Mika? Abi? Coach Ramil? Ano gusto mo isa isahin ko pa lahat ng teammates mo na tumawag sa’yo?
BINABASA MO ANG
Forgotten You (Ara Galang and Thomas Torres Fanfic)
Fiksi PenggemarHOW I WISH I CAN HEAR YOU CALLING ME AGAIN... HOW I WISH I CAN SEE YOU FOLLOWING ME AGAIN... HOW I WISH I CAN FEEL YOUR CARE FOR ME AGAIN... HOW I WISH I CAN TASTE YOUR DELICIOUS COOKINGS AGAIN... HOW I WISH... YOU COULD SAY THE WORDS "I LOVE YOU" A...