Flashback 26: The End

841 18 3
                                    

ARA’S POV

Inaayos ang gamit niya at nagbihis.

 

Baby, I’m sorry. You don’t deserve any of these hardships. You deserve to live. Pero ako kinuha kong lahat yon sa’yo. I don’t deserve to be your mother kasi wala akong naidulot na maganda sa’yo. I know. But promise hindi kita iiwan. Hindi ko hahayaang mag-isa ka. I will stay with you no matter what.

Pumasok si Kenneth sa loob ng room ni Ara sa hospital.

 

KENNETH: Hey Ara. Bakit ka aalis? (lumapit kay Ara at iniharap sa kanya)

ARA: (pinunasan ang luha) Thank you sa lahat. Hindi ko alam kung paano ko mababayaran lahat pero eto atm ko. Kulang pa yan pero may mga gamit pa ko sa bahay kung pwede-

KENNETH: Ara! Hindi kita sinisingil sa mga gastusin dito. Ako ng bahala don. Pero bakit ka ba aalis?

ARA: Ayoko dito kukunin nila baby ko. (kinuha ang gamit at naglakad papalabas)

KENNETH: (hinawakan sa kamay si Ara) Hindi ka pwedeng umalis. Ara ano ka ba! Kita mong ang hina mo pa at hindi nila kukunin ang baby mo.

ARA: Kukunin nila! Kukunin niyo! (umiiyak) Narinig ko. Narinig ko kayo. Sabi ni dra. Kailangan nyang alisin ang baby ko.

KENNETH: Hindi nila gagawin yon. Doctor din ako Ara. Maniwala ka. Gagawin ko lahat.

ARA: (inalis ang kamay ni Kenneth) Hindi. Alam ko. Aalisin niyo sya. Ayoko! Hindi ko sya iiwan.

KENNETH: Nagpapakamatay ka ba Ara! Sa ginagawa mo hindi lang baby mo yung –

ARA: OO! KUNG PAGPAPAKAMATAY YUNG HINDI KO ALISIN YUNG BABY KO E DI OO!

KENNETH: (hinawakan si Ara) And you think as a doctor hahayaan kong makitang mamatay ang isang pasyente? Bakit ba hindi ka maniwala sa akin na ililigtas ko baby mo.

ARA: And pano kung hindi mo rin sya masalba? Aalisin mo din sya di ba? *sobs*

KENNETH: Pero sa ginagawa mo inaalis mo lalo ang chance nya na mabuhay. Anong gagawin mo pag-alis mo dito?? Hindi porket nasasaktan ka kailangan magpadala ka sa emosyon mo.

ARA:  Sino ka ba? (itinulak si Kenneth)  Hindi mo alam yung pakiramdam ko. Try mong pumunta sa posisyon ko! Anong mararamdaman mo! Naging magulang ka na ba! Nawalan ka na ba ng anak! Alam mo ba yung pakiramdam na hindi mo pa nga sya nakikita, hindi ka pa nagiging magulang sa kanya pero mawawala na sya. Lahat kinuha na sa akin. Lahat lahat. Baby ko na lang yung natitira sa akin pero sasabihin niyo na kailangan siya alisin para mabuhay ako. Papaano pa ko mabubuhay kung pati sya mawawala? (lumabas na ng kwarto)

 

Sumakay si Ara ng taxi pabalik ng La Salle. Pumunta sya sa place na pinagjojogging-an niya tuwing umaga.

 

Baby wag kang mag-alala di ka iiwan ni mommy. Alam ko yung pakiramdam ng walang magulang. Kaya kung mawawala ka sasamahan kita. Hindi ko hahayaang maramdaman mo yung naramdaman ko. Hindi ka mag-iisa. Hindi. Pero bago yon gusto kong ipakita sa’yo kung saan lumaki si mommy mo. Eto yung La Salle. Dito nagcollege ang mommy mo. Marami akong nakilalang mga importanteng tao sa buhay ko dito. (lumuluha) Ang Lady Spikers. Gusto sana kitang ipakilala sa kanila kaso – (kumuha ng papel at ballpen sa bag. Pagkatapos ay nagsulat para sa Lady Spikers) Papakita ko sila sa’yo baby.

Forgotten You (Ara Galang and Thomas Torres Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon