Flashback 4: Where she is coming from

1K 23 4
                                    

Pagpasok ni Ara sa loob ng dorm. Naabutan naman niya ang bullies na andun sa kwarto nila.

 

KIM’s POV

ARA: Uy…

May nangyari sa pag-uusap nila sa baba panigurado. Pagganito ang mukha nitong si Ara may gusto itong sabihin pero dapat kami ang unang magtanong.

CAROL: Oh ano na? Ikwento na dali.

Grabe talaga tong si Carol laging straight to the point. Haha

ARA: Eh kasi…Ano… Paano ko ba sisimulan?...

CIENNE: Siguro simulan mo sa once upon a time…

Ay hanggang ngayon bumabanat pa rin ng joke tong si Cienne. (-____-) buti na lang wala na lang nagreact. Ang seseryoso ng mga mukha eh.

KIM: Sige na Vic. Kwento mo na.

ARA: Pinayagan ko na kasi eh.

BULLIES except Ara: O.O

MIKA: Ano kamo  Daks? Ulitin mo nga yang mga pinagsasabi mo! (sumisigaw)

ARA: A-ano kasi pinayagan ko ng manligaw si Rex sa akin.

MIKA: Ano Daks? Nababaliw ka na ba? Di ba nga iniiyakan mo pa si Thom? Tatlong araw pa lang Daks.

Ano tong katangahan na ito? (ang lakas ng boses)

Sa totoo lang wala naman akong kontra sa mga sinasabi ni Mika. Pero naisip ko din na baka nga eto yung tamang move para makalimutan na ni Ara si Thom. Super naaawa na rin kami kay Ara kapag umiiyak eto eh.

KIM: Miks hayaan na muna natin si Ara. Malay mo magkagusto talaga siya kay Rex.

MIKA: Isa ka pa Kim eh. Di ba kayo nag-iisip? Kalokohan to eh

Naiinis na ko dito kay Mika ah.

CIENNE: Hinahon Mika. Pagpasensyahan mo na Kim.

MIKA: Eh put* naman! (tumayo sa kama tapos lumabas ng kwarto)

 

Napatahimik silang lahat sa kwarto.

ARA: Sundan ko si Daks. (napaluha na to)

KIM: Wag na Ara mag-aaway lang lalo kayo. Ako na ang kakausap.

CAROL: Kim okay ka lang din ba?

Sa totoo naiinis din ako kay Miks kasi kung makapagreact ang OA lang tapos sinabihan pa kaming di nag-iisip pero naiintindihan ko naman din yung gusto niyang ipoint out.

Forgotten You (Ara Galang and Thomas Torres Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon