MIKA’S POV
CIENNE: HOOOOOOOOY Mikang!!! Bukas ka pa ba bababa? Uuna na lang kami!!! Ang tagal mo dyan!!!
MIKA: *nagtatali ng sapatos* Oo eto na! Bababa na ko! Sandali lang!
CAROL: Nakow! Baks kung sinabi mong 8 pala tayo pupunta sa ospital e di sana natulog muna kami!
MIKA: Oo na sorry na! *kinuha ang bag at lumabas ng kwarto* Eto pababa na!
CIENNE: Sa wakas! Halika na. Nasa baba na sila Kim nainip na. Wala ka man lang pagkain dito. *binatukan ni Carol* Aray!
CAROL: Baks binawasan mo na nga yang prutas para kay Thomas nagrereklamo ka pa.
MIKA: Sorry na mga bullies. Kasi tumawag pa si Kiefer kanina.
CIENNE: Ayown naman pala lumandi. *binatukan ni Camille* Aray! Uy kambal wag ka nga gumaya sa mga yan.
MIKA: Oy hindi ah! Kinakamusta kasi niya si Thomas. Alam mo naman yon to the rescue lagi kay Thomas simula ng- *sighs*
CAROL:Ah eh. Tara na mga baks! Dun na lang tayo magkwentuhan sa sasakyan, please? Baka naoperahan na si Thomas, nadischarge na, eh andito pa rin tayo. *binatukan ni Cienne* Aray! Ikaw bakla ka! Humanda ka sa akin.
CIENNE: *tumakbo papalabas* Ganti lang yan kanina!
CAROL: *hinabol si Cienne* Humandaaaaa ka sa akin!!!
CAMILLE: *sighs* Hay Mikang pagpasensyahan mo na yang dalawang yan. Hindi lang mapakali yang dalawang yan kanina pa. Nag-iisip kung papaano daw nila mapapasaya si Thomas. Naubos siguro utak.
MIKA: Ako man bully nag-iisip. *sighs* Tara na.
CAMILLE: Dadating din ang panahon na makakamove on na si Thomas. Hindi nakadepende sa atin kung pipiliin nya magmove on na ngayon o hindi. Tayong mga kaibigan niya- ang role lang natin ay gabayan sya hanggang dumating na sya sa punto na yon. Dahil kahit anong maisip nating pagpapasaya sa kanya kung hindi pa sya handa wala tayong magagawa.
MIKA: Tama ka Cams pero minsan di ko lang maisip kung paano sya tutulungan sa paghihirap niya. Alam mo yung ang sakit lang na nakikita syang pinipilit nyang magsaya pero ramdam natin na hindi totoo.
CAROL: Hoy mga baks daldalan kayo ng daldalan dyan. May pupuntahan po tayoooo.
CAMILLE: Oo na! Andyan na kami. Kapit lang tayo Miks dadating din yung panahong totoong ngiti na ni Thomas yung makikita natin.
MIKA: Sana nga.
Sumakay na sila sa sasakyan. Si Kim ang nagdrive.
Haaay Daks. Kailangan ka ni Thomas. Kailangan ka namin. Ikaw yung magaling sa mga problema eh. Ikaw yung laging nakikinig kapag may problema kami. Ikaw yung nakakaisip ng paraan. Iniisip ko kung kamag-anak mo ba si Papa Jack o ano. Pero daks 2 years na ang nakalipas pero yung nangyari sa’yo parang umuulit sa akin araw araw. Paano kung di kita iniwan nung ikaw naman yung may kailangan sa akin? Paano kung hinabaan ko pa pasensya ko non sa’yo sa paghahabol mo kay Thomas? Mahal na mahal ka naman pala nya eh. Siguro kung kinausap ko sya hindi mangyayari to. Ang tigas kasi ng damdamin namin noong panahong yon. Kung hindi pa pinamukha ni Bang sa amin ang pagkukulang namin hindi kami matatauhan. *tumulo ang luha*
CIENNE: Okay ka lang ba Mikang?
BINABASA MO ANG
Forgotten You (Ara Galang and Thomas Torres Fanfic)
FanfictionHOW I WISH I CAN HEAR YOU CALLING ME AGAIN... HOW I WISH I CAN SEE YOU FOLLOWING ME AGAIN... HOW I WISH I CAN FEEL YOUR CARE FOR ME AGAIN... HOW I WISH I CAN TASTE YOUR DELICIOUS COOKINGS AGAIN... HOW I WISH... YOU COULD SAY THE WORDS "I LOVE YOU" A...