Flashback 12: Our place

969 27 2
                                    

Play video > > > >

ARA’S POV

Nasa class si Ara at Thomas. Umiiyak si Ara habang nakatingin sa bintana. Nagearphones din si Ara para di na siya kausapin ni Thomas.

 

Ako ang may gusto nito. Ako yung may gusto na sana makalimutan niya na lang ang lahat ng nangyari kahapon pero bakit ang sakit? Bakit sobrang sakit pa din? Bakit kahit pinagpipilitan ko na sa sarili ko na kay Rex na lang. Siya na lang ang mahalin mong puso ka. Bakit di ko magawa? Bakit kahit iba na ang kasama ko ikaw pa rin? Bakit mahal kita? Bakit sobra sobra na?

.

.

.

At ikaw bakit para sa’yo wala lang ang lahat? Dahil ba akala mo ako si Arra.

GIRL: Free cut daw tayo today. Nagtext si prof. XD

CLASS: Wooohooo!

Tumayo si Ara at mabilis na naglakad papalabas habang nakaearphones pa din kahit wala naman tumutugtog.

THOMAS: Ara! Uy Sef!

Tama na Ara. Wag ka ng lilingon. Wag na.

Hinila ni Thomas si Ara at hinarap eto sa kanya.

 

THOMAS: Uy Sef bakit ayaw mo kong pansinin? Hey wait. Are you crying?

ARA: Sorry di kita narinig. Nagmumusic kasi ako. Tsaka di ako umiiyak napuwing lang ako.

THOMAS: Sef di mo ko narinig? Eh bakit papalabas ka ng classroom?

ARA: Di ba sabi free cut?

THOMAS: So narinig mo yung boses ng classmate natin nung sinabi niyang free cut pero akong katabi mo lang na sinisigawan ka na hindi mo marinig?

.

.

.

.

.

THOMAS: Sef is there a problem? Iniiwasan mo ba ako?

ARA: Hindi. May iniisip lang ako kaya di ko napansin na tinatawag mo ko. Sige dyan ka na pupuntahan ko lang si Rex.

Napasimangot si Thomas

 

Tama na Thomas. (tumalikod si Ara at naglakad) Ipapakita mong nalulungkot ka. Ipaparamdam mo sa akin na nagseselos ka. Sa huli aasa na naman ba ako?

Niyakap ni Thomas si Ara sa likod. Di na napigilan ni Ara umiyak. Biglang nagtinginan ang mga kaklase nila sa kanila.

 

THOMAS: (hinila si Ara papalabas hanggang sa kotse niya) Sef.

Forgotten You (Ara Galang and Thomas Torres Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon