Flashback 11: For the best

894 22 2
                                    

ARA’S POV

Tama na Ara! Tama na! (umiiyak habang hinahampas ang dibdib) Ano bang naisipan mo at ginawa mo yon? Tama na Ara! (lumakas ang paghampas)

TAXI DRIVER: Ma’am okay lang po ba kayo? Wag niyo pong saktan ang sarili niyo.

ARA: Bakit ganon kuya? Bakit kailangan maging tanga pagnagmamahal? (umiiyak)Bakit kailangan napakasakit? Nagmahal lang naman ako kuya eh. Nagmahal lang.

TAXI DRIVER: Ma’am minsan talaga ganyan. Hindi natin maiiwasan maging tanga kapag nagmamahal tayo kasi umaasa tayo na mamahalin at tutumbasan din nila ang pagmamahal na ibinigay natin. Pero wag mong ikulong ang sarili mo sa pagmamahal na yun kasi nakakalimutan mo ng mahalin ang sarili mo. Tingnan mo bugbog ka na sa sarili mo. (smiles)

ARA: (smiles pero naiyak pa din) Kuya naman eh.

TAXI DRIVER: Tsaka habang patuloy isang tao lang ang nakikita mo hindi mo makikita yung ibang taong nagmamahal at nagpapahalaga sa’yo.  Oh andito ka na pala hija. Eh gusto ka rin naman pala ng mahal mo eh oh?

ARA: Ha kuya? (sumilip sa bintana nakita si Rex na nakaupo sa harap ng dorm) Salamat kuya. (bumaba na ng sasakyan) Rex!

REX: Ara (tumakbo papalapit kay Ara tapos niyakap) Saan ka ba galing? (naluha na) Mapapahamak ka lagi si ginagawa mo eh.

ARA: Rex (umalis sa yakap sabay hinawakan ang dalawang pisngi nito at tinitigan) Sorry Rex ha? (umiiyak)

REX: (pinupunasan ang luha ni Ara) Okay lang Ara. Okay lang. Pasensya ka na sa inasal ko.Noong marinig ko kasi kayong nag-uusap ni Bang alam ko ng hindi mo ko kayang mahalin. (hinalikan si Ara sa noo) Okay lang. Magkaibigan naman tayo kahit ganoon di ba?  (umiiyak na at tumungo) Pasensya ka na Ara. Sorry talaga.

ARA: (iniharap sa kanya si Rex) Siguro nga tama si kuya. Sa katitingin ko sa isang tao lang nakalimutan kong may ibang nagmamahal at nagpapahalaga sa akin.

REX: Ara?

ARA: Kaya naman simula ngayon mamahalin ko naman ang sarili ko at yung mga taong nagmamahal sa akin. Rex pwede ba kong maging girlfriend mo?

REX: (napaiyak pa lalo tapos niyakap si Ara)

 ARA: Silence means yes? (niyakap din si Rex)

REX: (tumatango) Syempre oo-ng oo. Oo Ara. Oo. (umalis sa yakap at hinalikan si Ara sa noo) Tayo na di ba? Tayo na? (niyakap ulit si Ara)

ARA: Oo tayo na. Parang ayaw mo naman ata eh. (smiles)

REX: Ano ka? Gustong gusto ko kaya. Haha. (hinug ulit nila ang isa’t isa)

 Eto yung tamang desisyon Ara. Eto yun. This time mamahalin ko naman at papahalagahan yung mga taong nagmamahal at nagpapahalaga sa akin. Hindi na ko aasa. Hindi na. Sapat na ang lahat ng nangyari para ibaon ko na ang nararamdaman kong ito. Si Rex na lang ngayon ang lalaking mamahalin ko. Siya na lang.

TAXI DRIVER: Ayos sir at ma’am! Nagkaayos na din kayo. (nagkamot ng ulo) Pero ma’am pwede po bang makuha yung bayad.

REX: Haha. Manong pasensya na. Eto po.

ARA: Salamat po manong. Salamat po sa lahat ng mga sinabi niyo. (smiles)

Pagkapasok ni Ara ay niyakap ulit siya lahat ng Lady Spikers sapagkat nag-aalala na ang mga ito sa kanya. Napag-usapan na lang ni Ara at Rex na sabihin na lang na iniintay ni Ara si Rex sa bahay nito at hindi na nakauwi dahil gabi na. Nabanggit na din nila ang tungkol sa kanilang relasyon.

Kinabukasan…

Paano ko ba haharapin si Thomas na parang walang nangyari? Siguro naman hindi sinabi ni ate na doon ako natulog. Bakit ba naman kasi kaklase ko pa siya sa unang klase ko eh. Kamusta na kaya yon? Sana magkasundo na sila ng MBT. Hindi ko naman masisisi si Thomas kung nagkanoon siya. Niloko kasi siya ng mga taong pinakamamahal niya. Pero sana magkasundo na sila at makamove on na si Thomas. (ginulo ang buhok niya) Ano na naman to Ara! Nag-aalala ka na naman sa kanya eh. Sige sige hindi na talaga. Haaay.

Forgotten You (Ara Galang and Thomas Torres Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon