Flashback 8: Secret Friends? -Her Side

922 19 1
                                    

^Grabe ang sama kong tao noh? Sa kabila ng masamang ginawa ko di ko mapigilan ang sarili ko na matuwa. Naalagaan ko si Thom ng panahong kailangan niya ko. At hanggang ngayon pinagdadasal ko pa rin na sana tuluyan na siyang gumaling. Haaaay. Sa totoo nito di pa ko nakakatulog kakaisip sa nangyari kagabi. Naramdaman ko pa nga ng dahan dahan bumaba si Cienne kanina. Di na niya ko ginising dahil siguro akala niya pagod pa ko. Kahit naman lagi kaming nagbubullyhan alam kong mahal nila ako at sobrang pasasalamat ko dun. Ako naman tong sa kabilang banda nagtatago sa kanila. Haaaay. Pero kasi di ko naman magawang sabihin sa kanila dahil alam kong madidisappoint ko sila. Haaay Vic tumayo ka na nga lang!

Lakad lakad lakad. Nakita si Mika at Kim

^Ayun si Miks at Kim nagbubulungan ulit. Haaay. Napag-iiwanan na ko ng wafs. Namimiss ko yung kasama ako sa mga bulungan na ganoon. Tapos sasali pa ang ibang bullies para makichismis pero kaming tatlo isisikreto namin. (T.T)  Ngayon sila na lang dalawa.

ARA: Ah eh…Good morning (smiles)

MIKA: Oh Daks! Halika na kain na! Nagluto ako ng paborito mo. Tara!

CIENNE: (*.*) Sige na bully tara na dali. Ang daming niluto dali… (hinahampas ang tinidor at kutsara sa isa’t isa)

LADY SPIKERS bukod kay CIENNE: (nagtawanan)

ARA: Haha sige kain na tayo.

^Ano kayang nangyari? Wala man lang nag-oopen nung nangyari kagabi. Parang wala lang. Puro lokohan lang habang nakain. Hindi ba nila gusto malaman yung nangyari? Simula kasi kagabi nag-iisip na ko ng idadahilan eh. Baka naman siguro pagkatapos kumain saka nila ko kakausapin.

Pagkatapos kumain…

^Eto na ang moment of truth. Eto na mga kaibigan inihahain ko na ang aking sarili sa inyong harapan para gisahin at tadtarin niyo ng mga katanungan.

CIENNE: Huy Ars anong ginagawa mo dyan sa sahig? Nababaliw ka na ba? (kunyaring nagpupunas ng luha) Tatawag lang ako ng ambulansya. Kim kunin mo yung white long sleeves ko na damit sa cabinet dali! (binatukan ni Kim) Aray!

KIM: Puro ka talaga kalokohan. Wafs ano bang ginagawa mo dyan? Tumayo ka na at maligo. Tapos na ako.

ARA: Ay tinitingnan ko lang yung design ng kisame natin. XD (tumayo tapos muntikan ng matumba)

KIM: Huy Ara okay ka lang ba?

ARA: Haha okay lang. Sige liligo na ko. (^.^)

^Shit! Naliliyo na ko. Bakit kasi di ka natulog Ara? Ang bigat tuloy ng pakiramdam mo ngayon. May practice pa naman.

Sa practice…

COACH RAMIL: Ikaw Kim wag mong ipahalata ang mga set mo sa kalaban. Abi basang basa kung saan mo papupuntahin ang bola. Mika ang kamay mo kapag nagbloblock out lagi. Cyd lakasan mo ang palo mo. Ikaw Cienne basahin mo ang kalaban mo. Ara ikaw anong problema mo? Ikaw ang pinakawala sa sarili. Lagi ka pang nagtotouch sa net o kaya naman nalagpas yang paa mo sa kabilang court. Girls malapit na ang simula ng season! Pag-igihin niyo mag fofour peat tayo!

LADY SPIKERS:  Yes coach!

^Shit Ara wag mo masyadong ipahalata na naliliyo ka. Pinagtitinginan ka na nga teammates mo oh. Tiisin mo hanggang matapos ang practice. Smile lang smile lang. Hinga. Haaaa. Matulog ka na lang pagkatapos nito.

ABI: Okay ka lang ba daughter?

CAROL: Oo nga pahinga ka kaya muna. Ipagpapaalam ka namin kay coach.

ARA: Okay lang ako. (smiles) Para sa’yo tong four peat mother!

ABI: Okay lang naman kung magpahinga ka muna. Tsaka kakayanin natin yan!

Forgotten You (Ara Galang and Thomas Torres Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon