Flashback 25: Letter to Sef

570 16 5
                                    

THOMAS’ POV

Sinabi ni Thomas ang tungkol sa sulat sa Lady Spikers.

ABI: Sige na umuwi ka na Thomas. Pwedeng pasabi na lang din sa amin kung alam mo na kung nasaan si Ara. Kailangan muna naming kausapin si Coach sa nangyari.

THOMAS: I’ll let you know. Sige Ate Abi.

Nagdrive si Thomas pabalik sa dorm ng Archers. Pagkapasok naman niya pinuntahan niya si Jeron.

 

JERON: Bro! Eto yung sulat para sa’yo.

THOMAS: Salamat. (pumunta sa garden ng dorm)

Nanginginig ang kamay niThomas habang binubuksan ang sulat. Ng makuha niya yung sulat nakita nyang halos lukot lukot na ang papel na may mga bakas ng luha. Napaluha si Thomas ng makita niya eto.

 

Hi Sef,

 

I’m sorry that I don’t have the courage to say everything in front of you. Honestly, I feel like I will break down if I did. I’m not writing this letter to you because I want to make you feel bad or blame you. It’s actually the other way around.

 

First of all, I want to thank you for saving me back then when I’m still a kid. I don’t know if you’ll remember but when you were a little kid you visited an orphanage. When I first saw you, I said to myself ‘Ang swerteng bata. Meron syang pamilya tapos gusto pa sya ng mga bata sa orphanage.’. Oo nga pala ampon lang ako nila mama pero super thankful ako at tinuring nila akong tunay na anak. Kinuha nila ako sa orphanage ng 7 years old pa lang ako. Pero bago yun nung pumasok ako ng orphanage hindi kasi ako makapagsalita non. Trauma siguro. Ako kasi yung may kasalanan kung bakit namatay ang totoo kong magulang. Mahirap lang kasi kami tapos nung birthday ko pinilit ko pa silang ibili ako ng cake kaya nung nangutang sila para ibili ako ng cake naaksidente sila. Ang sama kong tao dahil sa selfishness ko lahat ng tao sa paligid ko nagdudusa. Nasasaktan. Nawawala. Sa’yo ko pa lang nasabi yung tungkol dito. Natatakot kasi akong baka layuan ako ng mga tao sa paligid ko kahit si Bang. Nung mga panahong yon gusto ko ng mamatay. Gusto ko na lang mawala. Kasi ano pang silbi ko. Wala ng may gusto sa akin pabigat pa ko sa orphanage. Hindi rin kasi ako nilalapitan o gusto ng mga bata sa orphanage. Pero kahit ganon nilapitan mo ko. Kahit di ako umiimik kinakausap mo pa rin ako. Sobrang salamat. Feeling ko kasi may magkakagusto pa palang maging kaibigan ako kahit ganito ako. Halos araw araw kang bumabalik sa orphanage para lang makalaro at kausapin ako. Super English ka pa non. Hihi. Di ko na nga alam minsan yung sinasabi mo eh. Samantalang ako walang magawa kung di tumango lang sa lahat ng sasabihin mo pero kahit ganon hindi ka nagsawa. Ikaw yung bumuhay sa akin. Nagkaroon na ulit ako ng rason para mabuhay. Pero hindi naman pwedeng habambuhay kailangan puntahan mo ko, natigil yon ng lumipat kayo sa ibang bansa. Hindi masama ang loob ko kasi alam kong may chance na magkita pa ulit tayo. Bago ka umalis non sabi mo sa akin na ako yung bestfriend mo kahit anong mangyari. Noong panahong yun sobrang saya ko ng narinig ko yon. Kaya sa muling pagkakataon nakapagsalita ako. Pangalan mo yung una kong nabanggit. Tapos hinug mo ko non habang umiiyak. Sabi mo ang saya na narinig mo akong magsalita pero hindi mo alam kung gaano ako kasaya na dumating ka sa buhay ko. Salamat talaga!

 

Nakita ulit kita nung high school na ko. Ang saya ko noon. Dumalaw ako sa orphanage para kamustahin yung mga nag-alaga sa akin dati. Saktong nandoon ka din. Pinakilala ka nila sa akin pero hindi mo na siguro ako maaalala pero okay lang. Hiniling kong makita ka at binigay naman sa akin ni Lord. Naging stalker mo ko. Sorry dahil don. Sobrang namiss lang siguro kita. At katulad ka pa rin ng dati. Mabait pa din. Bumabalik balik ka sa orphanage para makipaglaro sa mga bata. Nagtatago lang ako lagi noon. Wala kasi akong lakas ng loob para makipagkaibigan sa’yo. Tapos nalaman kong gusto mo pumasok sa La salle. Nalaman ko yung sobrang pagsisikap mo para lang makapasok sa basketball team. At dahil sa’yo nainspire din akong maging magaling. Pinagbutihan ko ang pag-aaral at pagvovolleyball at laking pasalamat ko ng nirecruit ako ni Coach Ramil. Dahil sa’yo nagkadireksyon ang buhay ko. Salamat para don.

 

At dumating na ang college at UAAP season. Ang saya. Sobrang saya ko nung sinabi mong idol mo ko. Nagkaroon ako ng pag-asa na muling maging kaibigan mo. At pinagbigyan ulit ako. Naging close tayo, naging secret friends at naging tayo. Salamat sa mga panahong yon. Alam kong nahihirapan ka sa mga pagsisinungaling mo pero hindi mo ko sinisi. Salamat talaga. Yung pagdala sa akin sa secret place, yung pagcocostume mo para isupport kami, yung pagsama sa akin magjogging, yung surprises, at sa lahat lahat. Sobrang salamat.

 

Kung ano yung meron ako ngayon lahat yun naging parte ka. Hindi siguro ako magkakaroon ng kaibigan kung hindi mo tinuro sa akin kung paano makipagusap. Hindi siguro ako magkakapamilya kung hindi mo pinaramdam sa akin kung paano alagaan ng iba. Hindi siguro ako magiging magaling sa volleyball kung hindi mo pinakita sa akin kung paano magsikap. Hindi siguro ako magiging masaya kung hindi kita nakilala at minahal. Marami pa kong gusto ipagpasalamat pero hindi ko na maiisa isa. Pero salamat.

 

Mahal kita Thomas. Mahal na mahal. Wala na kong hinihiling pa kung hindi ang maging masaya ka. Sana mahalin ka ni Arra ng sobra sobra. Sana hindi ka na ulit umiyak. Sana maging magaling na basketball player ka. Sana maachieve mo lahat ng pangarap mo. At sana kung bibigyan pa ulit ako ng isa pang buhay ni Lord sana sa buhay na yon hindi na ko pabigat sa’yo at pwede ng tayong maging magkaibigan ulit. Sorry kung dito ko na lang nasasabi to ha. Nahihiya kasi akong magpakita pa sa’yo dahil sa ginawa ko. Wag mo ng isipin yon ha. Nadala lang ako ng emosyon ko kung bakit pinigilan kita non. Pero totoong sobrang saya ko na naging kayo ulit ni Arra dahil alam kong sasaya ka. Sorry. Sorry sa lahat din ng kasalanan ko. Promise di na ko manggugulo. Promise di na. Mamimiss kita. Mahal na mahal kita.

 

I love you Thomas Torres forever and always.

 

-ARA

 

THOMAS: (umiiyak) Mahal na mahal din kita Ara. Hindi ka panggulo. Ako dapat magsorry.

Lumabas si Jeron sa garden ng makitang umiiyak si Thomas

 

JERON: Bro. Okay ka lang?

THOMAS: Ang sama ko. Ang sama sama ko.  *sobs*

JERON: Bro hindi. Ipahinga mo lang muna yan. Wala ka pang tulog simula kahapon.

THOMAS: Bro si Ara. *sobs* Si Ara. Hanapin natin si Ara.

JERON: Sige sige bro. Hahanapin ko si Ara pero magpahinga ka muna.

THOMAS: Kaya ko pa bro. Hanapin natin si Ara. *sobs*

JERON: Sige sige hindi naman kita mapipilit. Intayin mo ko. Tawagin ko lang ibang Archers.

Please Ara be okay. Ako yung dapat magsorry. Wag kang lumayo. Pangako di na kita sasaktan. Just please come back. Please. I love you Ara. Sobra. Sobra. 

Another Update! Enjoy Reading! Thank you @awesomepizzaaa for the support! Thank you readers!

Forgotten You (Ara Galang and Thomas Torres Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon