Flashback 6: Faith is pulling us together 2

961 23 2
                                    

ARA’s POV

Ano kayang problema nitong si Rex? Lagi na lang siya dito nakatambay sa Taft. Oo, dati pa naman siya napunta dito para magyaya kumain sa labas pero nakakapanibago na ngayon araw araw na siyang nandito. Yaman noh? Nakakotse pa yan pagnadalaw! Tapos paggabi tawag ng tawag kahit wala naman na kaming pinag-uusapan. Parang nakadrugs lang. Haha. Eto na 5…4…3…2…1…

Ding dong ding dong…

Panalo on time pa lagi! Haha. Lagi lang naman po niya kong hinahatid sundo papunta at pabalik ng practice. Tapos nanonood lang naman siya buong practice buti di napapagalitan ni coach to eh. Paano ba naman may dalang pagkain para sa buong team. Syempre kasama si coach dun! Haha

Ding dong ding dong…

CIENNE: Uy Ara ang pinto!

Sabi ko nga Victonara buksan muna ang pinto bago makipag-usap sa sarili. Haha Grabe ganito na lang ako simula ng medyo umiwas si Daks sa akin. Siya lang naman kasi ang nakukwentuhan ko ng mga katangahan ko. Kaya eto ngayon nagtyatayaga si Victonara na makipag-usap kay Ara. Haha. Sana kausapin na ko ni Daks.

Ding dong ding dong…

CAROL: Hoy Ara! Uso magbukas ng pinto! Wag mong titigan yan di yan bumubukas mag-isa!

ARA: Eto na po bubuksan na. (^.^)V

 

Binuksan ang pinto

ARA: Good Morning Rex! Welcome to the Lady Spiker’s dorm. A seat for one?

Haha Ewan ko ba parang may magandang mangyayari sa araw na to. Hahaha feel na feel ko ang good vibes na dala ng hangin! Uy baka akalain niyong di ako nalulungkot dahil sa nangyari sa amin ni Daks tapos yung kay Thomas pa na ipaglalaban daw niya si Arra. Nalulungkot ako noh! Pero ika nga nila YOLO e di magpakasaya na ko sa buhay. hahaha

REX: Hahaha Oh eto breakfast parang nalipasan ka ata ng gutom.

ARA: Thank you Sir! (with matching saludo)

Kaya naman pala nafifeel ko ang good vibes ng hangin may kasama pa lang pagkain. Haha

ARA: This way Sir! (sabay turo sa sala)

REX: Ara di kita maihahatid ngayon sa klase mo. First day pa naman ng class niyo. L

ARA: Hala okay lang noh! Tsaka 10 am pa class ko noh hindi naman siguro ako malalate dahil 6 am pa lang. XD Wag kang mag-alala tatay di ako magcucutting class.

REX: Hindi kasi dahil don. --- Hayaan mo na.

ARA: Hala pabitin! Ano ba yon?

REX: Wala. Sige kainin mo na yan. Aalis na din ako. 8 am kasi ako ngayon.

Forgotten You (Ara Galang and Thomas Torres Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon