Present 8: Getting her back

283 12 4
                                    


AXEL'S POV

Sa sasakyan pauwi sa bahay nila after bumisita kay Thomas.

Sh*t. What is the right thing to do? Pero kamukha talaga nya si Ara eh. Masaya na si Thom. Kung ikukwento ko sa kanya yung nakita ko baka bumalik ulit sya sa pagiging depress niya. Ahhh Axel ano na? Hindi lang si Thom pati yung mga kaibigan naming masasaktan din.*scratches his head*

MOMMY NI THOMAS: Anak may problema ka ba?

AXEL: Ah eh mom.

MOMMY NI THOMAS: Yes?

AXEL: Mom, ano bang dapat kong gawin?

MOMMY NI THOMAS: Anong gagawin mo? Oy Axel di kita pinalaking hindi umaako ng responsibilidad! Kung may ginawa ka panagutan mo! Sino yan? Kailan namin sya makikilala? Batang bata ko pa ginawa mo na kong lola?

AXEL: ha? Anong sinasabi mo mom?

MOMMY NI THOMAS: Sinong nabuntis mo?

AXEL: Mom wala akong nabuntis. Bakit tayo napunta dyan?

MOMMY NI THOMAS: Sabi mo kasi kung anong dapat mong gawin.

AXEL: Mom. *sighs* Di kasi yun.

MOMMY NI THOMAS: eh ano bang problema anak? Okay lang naman bumagsak. Wag mo masyadong isipin. Pwede mo naman ulitin.

AXEL: Mom wait. Bago pa man umabot kung saan ang paghihinala mo sa akin. May gusto lang naman akong itanong. Mom dapat ko bang gawin kung ano yung sa tingin kong tama o dapat bang di na lang ako magsalita para walang masaktan?

MOMMY NI THOMAS: Ano ba yan anak? At sinong masasaktan?

AXEL: Di ko pa po kasi pwedeng sabihin sa ngayon. Pero kasi *sighs*

MOMMY NI THOMAS: Anak, alam kong mahirap sa pakiramdam ang may nasasaktan. Pero kung pipiliin mong tumahimik at alam mong may mali. Parang pinagkaitan mo yung mga tao na sa tingin mong masasaktan na harapin kung ano man yung dapat nilang malaman. Hindi mo rin naman nasisigurado kung masasaktan lang talaga sila sa kung ano man yun gagawin mo. Malay mo kasabay nung sakit mababawasan yung paghihirap na dinadala nila. Well, it depends pa rin siguro talaga situation. Sabihan mo lang ako anak kung ano yang nagpapabagabag sa'yo.

AXEL: Salamat mom. I think for now aalamin ko muna yung totoo. Kapag sigurado na ko sa kung ano yung situation saka ko na lang ipapaalam sa inyo.

MOMMY NI THOMAS: Sure baby. Basta kung ano man yang magiging desisyon mo andito lang ako. Pero anak gusto ko talaga sana kung boy yung magiging apo ko. Namiss ko kasi nung bata pa kayong dalawa ni Thom.

AXEL: Mom!

MOMMY NI THOMAS: Joke lang anak.

Final na to Axel! Alamin mo muna talaga kung si Ara yun! Pero paano kung is Ara nga? Bakit di sya bumalik? Narinig ko kay Jeron yung buong storya at alam kong mahal na mahal ni Ara ang mga kaibigan, pamilya at si Thomas. Hindi nya hahayaan na masaktan sila ng ganito. *scratches his head* Ay bahala na! Para kay Thomas! Para sa ikakatahimik ng lahat!

AXEL: Mom para! *slaps the stirring wheel*

MOMMY NI THOMAS: Oy anong para ka dyan Axel!

AXEL: Aalamin ko na mom hangga't maaga pa!

MOMMY NI THOMAS: At paano mo kami pauuwiin aber? Unang una nasa kalagitnaan tayo ng EDSA. Gusto mo bang mahuli tayo dito? At pangalawa sinong magdridrive? Hindi kami maalam magdrive nyang mga kapatid mo.

AXEL: *scratches his head* Sorry mom. Nadala lang ng emosyon. Eto nga ihahatid ko muna kayo sa bahay.

MOMMY NI THOMAS: Joke lang anak. Masyado ka na kasing tense. Basta proud ako kung ano man yang desisyon na yan. Make sure to hear out everything bago ka magjudge. And believe that everything happens for a reason. God definitely has plan kung bakit nya ginawa ang lahat ng bagay at kung bakit sa'yo nya ibinigay yan.

AXEL: Yes ma. Thank you!

TIN'S POV

Bakit parang feeling ko parang nakita ko na talaga si Thomas noon pa? Bakit parang ang sakit na nakikita syang nasasaktan? Bakit ang dali kong magtiwala sa kanya para ikwento ang tungkol kay Tophy? Bakit parang may kung ano akong nararamdaman kapag kinakausap ko sya? No Tin. No! Kay Tophy na lang iikot ang mundo mo di ba? Di ba sya na lang. Wala ng iba.

Nurse: Ms Tin. Okay ka lang ba?

TIN: *nods*

Nurse: Thank you sa pagtiklop nitong mga bedsheet. Ang laki ng tinutulong mo sa amin.

TIN: *smiles*

Nurse: Oo nga po pala. Tapos na operation ni Dr. Hernandez nasa room na sya ngayon.

TIN: *stands up and bows*

Nurse: Sige. Salamat ulit dito.

Ay! Naiwan ulit ni Kenneth nakaopen ang pinto nya. Lalabas ang lamig ng aircon.

Ara holds the doorknob when she heard a guy shouting

GUY: At sa tingin mo makakabuti sa kanya yung ginawa mo! Wow! Sino ka ba sa buhay ni Ara? Kelan mo ba sya nakilala? Tingin mo ba matutuwa sya sa ginawa mo!

Si Ara? Sinong kausap ni Kenneth?

KENNETH: Alam kong wala akong karapatan pero hindi ko sya sasaktan tulad ng ginawa niyo sa kanya! Alam mo ba yung kalagayan niya nung pumunta sya dito? Alam mo ba kung anong paghihirap ang dinanas nya ng dahil sa inyo!

GUY: Mahal namin si Ara! At anong karapatan mong husgahan kaming pamilya at mga kaibigan nya? Kilala mo ba kami?

KENNETH: Mahal? Wow! Just Wow! Matapos nyong ipagtabuyan si Ara sasabihin mo mahal nyo sya! Ang galing nyo din naman no! Halos mamatay na yung tao nung pumunta sya dito. Kaibigan? Wow! Eh lahat nga kayo di niyo pinakinggan si Ara! Ang lakas naman ng loob nyong tawagin ang sarili nyong kaibigan kayo.

*boogsh*

Pumasok si Tin sa loob at nilapitan si Kenneth

TIN: Kenneth! Okay ka lang ba?

KENNETH: Tin. (niyakap si Tin)

GUY: (hinila si Tin at hinarap sa kanya) Ara. (niyakap din si Ara)

TIN: (Tinulak si Guy) Hindi ako si Ara. Sino ka?

GUY: Axel. Kapatid ni Thomas. Ara di mo ba ko naaalala?

TIN: Hindi ako si Ara. (naluluha) Ako si Tin. (sumakit ang ulo) Kenneth. Sino sya?

AXEL: Ara okay ka lang?

KENNETH: (niyakap si Tin) It's okay. It's okay. (inihiga si Tin sa kama) Umalis ka na!

AXEL: Babalik ako! At pagbalik ko kukunin ko na si Ara.

Lumabas si Axel sa kwarto

TIN: (umiiyak) Kenneth sino si Ara? Bakit nya ko tinatawag na Ara? Bakit kukunin daw nya ko?

KENNETH: Shhh. (hinawakan ang kamay ni Tin) Wag ka ng umiyak. Hindi kita ibibigay sa kanila. Matulog ka na. (naluluha)

Ako ba si Ara? Bakit ayaw sabihin sa akin ni Kenneth? Sino si Axel? Si Thomas? Kaaano ano ko ba sila? Si Kenneth bakit sya nasasaktan ng ganito? Ano ba talagang nangyayari?

Update!!! After more than 1 year!!! Hihi. Sana magustuhan nyo. Hihi. Super short lang muna. Hihi. 

Forgotten You (Ara Galang and Thomas Torres Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon