Flashback 5: Faith is pulling us together
Kakatapos lang ng break ng Lady Spikers . Bumalik si Ara sa campus isang araw bago magsimula ang practice nila. Hapon na siya nakarating pero napagdesisyunan niyang wag munang bumalik sa dorm kaya tumakas siya sa guard ng isang building sa loob ng campus para makapagstay sa rooftop ng isang building.
ARA’s POV
Ano bang nagawa kong kasalanan ng past life ko? Haha Grabe parang sira na ko pati past life napagbubuntungan ko ng mga kadramahan ko. Haha (tumulo ang luha) Shit! Bakit ba ganito ang buhay ko? Di ako magustuhan ng taong mahal ko. Tapos pati bestfriend ko iniiwasan ako.
Kringggg. Kringgggg…
Si Rex ulit. Halos araw araw niya kong tinatawagan ng break namin parang di siya nauubusan ng kwento. Haha. Sasagutin ba kita phone? Haha. Nasisiraan na talaga ako.
ARA: Hello Rex!
REX: Ara nasaan ka?
ARA: Ha? Bakit?
REX: Andito ako sa dorm niyo pero wala ka dito. Tumawag ako sa bahay niyo umalis ka na daw kanina pa. Tinetext kita kanina di mo sinasagot. Ara nasaan ka na?
ARA: Haha. Hinahon lang Rex. Andito lang ako sa loob ng campus.
REX: Asan ka nga? Gabi na oh. Susunduin kita dyan.
ARA: Wag na Rex. Uuwi na din ako malapit na. Nagpapahangin lang ako. Umuwi ka na. Ikaw ang gagabihin pag-uwi sa Katips.
REX: Okay lang ako Ara. Ikaw baka kung mapaano ka. Susunduin na kita.
ARA: May magagawa pa ba ako? Haha Andito ako sa ****
REX: Sige papunta na ako dyan.
Bumaba na si Ara para hintayin si Rex
Haaay balak ko sanang dito muna magstay hanggang bukas ng umaga pero di naman ako titigilan nung si Rex kapag di ako pumayag.
GUY: Babe naman. Why are you doing this? We’re okay naman di ba?... Please don’t do this… Kahit konti lang I know you still like me… Please don’t do this.
May kasama pala akong nagdradrama dito. May pinagdadaanan din si kuya. Wag kang mag-alala kuya marami tayo sa mundong ganyan. Sasaya din tayo balang araw. Haha Eto na naman ako hahaha kinakausap ang sarili.
GUY: Shit! (sabay kumalabog)
Hala ano yun? Pupuntahan ko ba? Baka nagpakamatay na yun ah. Pero malapit na din si Rex. (sumisilip silip sa likod ng building kung saan narining ang kumalabog) Huhu nakakatakot. Pupunta ba ako? Paano pagpatay na yun tapos may makakita sa akin dito. (T.T) Pagkakamalan ako ang pumatay. Huhu Kuya wag ka munang mamamatay. Ayoko pong makulong. Ganito yung mga napapanood kong napagbintangan na suspects eh.
ARA: Tao po.
Ay mali pala.
ARA: Uhmmm. Kuya? Kuya? Uy sumagot ka.
Ay potek. Sino naman ang nag-iwan ng can ng alak dito. Ang dilim dilim pa naman. Hala ang daming cans.
*Boooooogsh *
ARA: Ay Lord magpapakabait na po ako. Di na po ako magdradrama sa totoo naman po naappreciate ko lahat ng blessings Lord.
GUY: (laughs) Sino yan?
ARA: Ako po ay nagmamagandang loob lang na tao. Narinig ko po kasing may nag-aaway dito tapos tumahimik. Pero kung sino ka man nagsasalita ka huhu tao ka naman di ba?Di ka naman multo?
GUY: Hahaha. Oo tao ako. I’m here sa bench.
ARA: So okay ka na kuya ha? Di na ko lalapit. Wag kang magpapakamatay kuya ha? Kung ano man yang pinagdadaanan mo malalagpasan mo yan. Kapit lang kuya. Love tayo ni Lord.
BINABASA MO ANG
Forgotten You (Ara Galang and Thomas Torres Fanfic)
FanficHOW I WISH I CAN HEAR YOU CALLING ME AGAIN... HOW I WISH I CAN SEE YOU FOLLOWING ME AGAIN... HOW I WISH I CAN FEEL YOUR CARE FOR ME AGAIN... HOW I WISH I CAN TASTE YOUR DELICIOUS COOKINGS AGAIN... HOW I WISH... YOU COULD SAY THE WORDS "I LOVE YOU" A...