"Casse? Bakit?" Bungad ko sa videocall."Busy ka ba?"
"Hindi naman."
"Samahan mo naman ako bukas."
"Saan?"
"Malapit na birthday ni Patch. Tapos si Thorch nag padala ng pera sa Gcash ko ng sampung libo. Sa bahay ko na ang venue."
"Tara. Bakit hindi sasama 'yung iba?"
"Tutulong na raw sila sa Preperation."
"Nag email na sa akin CMU. Tanggap ako bulang Scholar!"
"Talaga? Same tayo! Kaninang umaga sa akin."
"Ngayon lang 'yung akin."
Pinatay ko na ang videocall. Bumaba ako para ka-usapin si papa na hindi na nya kailangan bayaran ang tuition fee ko.
"Bantayan mo ang mga kapatid mo, Huwag kang puro gala. Sa Cavite ang trabaho ko ngayon. Hindi ko alam kung kailan ako makaka-uwi. Ipapadala ko na lang sa Cebuana ang pera pambayad sa kuryente, Tubig at pagkain ninyo."
"Mag ingat po kayo."
Pinanood ko sya'ng kuhanin ang dalang bag hanggang sa lumabas sya ng bahay.
Kinabukasan, Pumunta ako sa bahay nila Casse sa Garden Ville.
"Ang aga mo naman! Nakakaloka ka!"
"Ano? Hindi ka pa rin nakakaligo? Sabi mo, alas otso dapat na sa Monumento na tayo."
Pumasok kami sa loob ng bahay nila. "Hi, Tita,"Bati ko sa mama nya.
"Hello, Jerelle. Saan punta ninyo?"
"May bibilhin lang po."
"Mag ingat kayo."
Napakakupad talaga kumilos nitong si Casse. Mag aalas dyis na, Hindi pa rin nag papakita sa akin. Higit isang oras na akong naka-upo. Namamanhid na rin ang pwetan ko kahihintay.
"Tara na. Hindi ako prepared."
"Hindi ka pa prepared nyan?"
Pinagmasdan ko sya. Naka-croptop at low waist na short.
"Duh. Tara na nga."
Sumakay kaming jeep papuntang monumento.
Siniko nya ako. "Pst."
"Oh?"
Inginuso nya ang lalaking na sa dulo. "Ang gwapo."
"Alam mo, dapat si Agust sinama mo. Pareho kayong gwapo ang hanap. "
Suminghap ako ng kurutin nya ako sa tagiliran matapos lumingon sa gawi namin 'yung lalaki.
"Nakakainis! Dapat pala tinanong ko na name nya. Ayan, nakawala pa tuloy. Hindi ako makakapayag na si Patch langang may lovelife."
"Okay lang naman. Basta masaya si Patch. Debut na."
"Oo nga. Huwag mo na akong konsensyahin."
Pumasok kami sa loob ng Vmall.
"Teka, nag videocall si Monique. Hello, teh!"
BINABASA MO ANG
Soulmate's Prayer. (Malabon Series #2)
RomanceDahlia Jerelle san Diego became the mother of her twin brother since they did not know who their biological mother was. She's a firm believer of the Soulmate's Prayer and attended church every sunday. On the Other hand, Niel Mendeville, A sacristan...