"Si Dahlia, Mama.." Tinignan ako ni Pacco bago muling ibaling ang atensyon sa kanila. "Girlfriend ko."Katahimikan ang bumalot sa aming lahat. Napatigil rin sila sa pagkain. Biglang hinampas ni Deri ang lamesa dahilan para batukan sya ni Tita Emily.
"Aray, Mama! Panalo ako sa pustahan natin!"
"Tinotoo mo naman na babayaran kita? Eh, kung hindi kita bigyan ng pera pang-aral mo?"
"Girlfriend 'yung pinakilala, Ma! Girlfriend! Hindi nililigawan. Ang duga."
Buong gabi kaming nag kwentuhan. Ang saya-saya ng pamilya nila. Mas lalo ko pa tuloy nakilala si Pacco.
"Gabi na, oh." Itinuro ko ang langit.
Nakatayo kaming dalawa sa tapat ng bahay. Pumasok na sa loob ang Kambal para mag pahinga.
Naiilang ako sa ginagawa nya. Nakatingin lang sya sa akin na akala mo ako lang tao sa mundo.
"Salamat."
"Welcome. Umuwi ka na. Wala ka ng kasama."
Kumaway ako sa kanya. Pumasok lang ako sa loob ng makitang lumiko na sya.
Hinawakan ko ang dibdib. Sobrang lakas ng pintig ng puso ko.
"Laki ng ngiti ng Ate!"
"Hindi ah! Akala ko ba na sa taas na kayo? Tulog na tayo!"
"Sus! Mahal na mahal si kuya?"
"Tumigil nga kayo. Akyat na! Tulog na!"
Nag-iwan ako ng isang daan pang baon nila. May lutong kanin at ulam naman para pag pasok nila kaya hindi na kailangan pang gumastos. Nag luto ako ng egg sandwhich para ibaon.
"Next, Ms. San diego."
Tumayo ako mula sa kina-uupuan. Bakit ako agad? Hindi pa naman ako ready sa on the spot recitation ngayon.
"Yes, Ma'am?"
"Hmm.. Ano'ng masasabi mo sa Scandal?"
"Scandal, Ma'am?"
"Yes, Scandal. Iyon ba'ng mga kumakalat ngayon sa social media na pakikipag talik na may video pa? Your opinion?"
Inilibot ko ang buong paningin sa kanila. Lahat ng kaklase ko nakatutok sa akin.
"Ah, Yes. Hindi lahat ng may scandal, maruming babae na."
"Paanong hindi maruming babae, Ms. San diego?"
Pinilit ko'ng labanan ang panginginig ng tuhod. Bakit sa lahat ng tanong iyan pa ang natapat sa akin?
"Aware tayo'ng lahat na maraming kumakalat na Scandal sa social media ng kababaihan ngayon. Gusto ko lang po'ng sabihin na hindi sila marunong babae. Paano ko na sabi? Simple lang po. M-May napanood ako'ng isang palabas na sangkot 'yung babae sa isang scandal na kumalat. Puro masasakit na salita ang inabot nya, kesyo marumi na, walang tatanggap na lalaki at kung ano-ano pa. Ngunit ang hindi alam ng karamiham isa lang rin syang biktima. Kita sa camera na parang gustong-gusto nya ang ginagawang 'yon pero hindi. Labag na labag sa loob nya. Maraming nadadaya sa camera, Ma'am. Kayang i-anggulo at palabasin na gusto mo ang kahalayan na 'yon. May nakatutok sa kanyang baril, Ma'am. Kapag inutos ng lalaking umungol sya, Uungol sya. Kapag sinabi'ng umarte na na gugustuhan nya, wala syang choice kung hindi gawin iyon. Dahil kung hindi, mamatay sya." Huminto ako. "
"Hmmm. Paano naman na punta ang babae sa ganoong sitwasyon, Ms. San diego?"
"Maraming pwede'ng dahilan, Ma'am. Maaaring ang mismo'ng pamilya nag set-up para gawin sa kanya 'yon o di ka—"
BINABASA MO ANG
Soulmate's Prayer. (Malabon Series #2)
RomanceDahlia Jerelle san Diego became the mother of her twin brother since they did not know who their biological mother was. She's a firm believer of the Soulmate's Prayer and attended church every sunday. On the Other hand, Niel Mendeville, A sacristan...