Chapter 13

395 30 19
                                    

"Ano?!" Gulat na tanong ko.

"Sorry naman. Ayaw lang talaga namin nakikitang nag-aaway kayo kayo ayun... Inaway namin si Pacco," Nakayukong saad ni Casse.

"Hindi ako kasali. Bakit mo ako dinadamay dyan?" Kumunot ang noo ni Monique.

"Gusto ko rin si Pacco." Nilingon ko si Agusta. "Pero mas mahal kita."

Ngumiti ako. "Okay lang ako. Promise. Higit isang buwan pa lang naman kaming magkakilala. Mas mahal kita kaya nga iniiwasan ko na sya."

"Hindi. Ako 'yung mali. Noong na sa akin pa, hindi ko pinahalagahan tapos hahabulin ko ngayon."

"Ay... Bola? Bola si Pacco?" Natatawang ani Casse.

"I surrender, Dahlia.. Noong nakita ko'ng  lumuhod sya sa 'yo, Doon pa lang alam kong talo na ako. Na wala na talaga."

Hinawakan ko ang kamay nya. "Nakita kita na nakatanaw sa malayo kaya sinabi ko mismo na hindi ko sya gusto. Harap-harapan."

Kinuha nya ang cellphone at nag pindot ng kung ano-ano.

"Ano na naman?"

Nanlaki ang mata ko ng makilala kung kanino ang boses na 'yon!

"Inaano ba kita?" Tumaas ang kilay ni Agusta.

"Nag-usap na tayo, 'di ba? Kahit malabo ang sitwasyon namin ni Dahlia ngayon, Hindi ako babalik sa 'yo."

Kinagat ko ang ibabang labi.

"Well, Ayoko rin naman. Mas mahal ko si Dahlia kaysa sa 'yo. Hindi ko nga alam kung bakit ko inaway 'yon para sa 'yo. Eww."

"Eww ka rin."

"Maka-eww, Pacco." Inagaw ni Casse ang cellphone. "Parang hindi ka nag kagusto kay Agusta."

"Pwede ba, Casse? Kaka-dasal ko lang. Ayokong maki-pag sagutan sa inyo. "

"Sure ka dyan?"

Itinapat ni Casse ang front cam sa akin. "H-Hello," Bati ko sa kanya.

Pinatay ni Casse ang VC. Maya-maya pa tumawag ulit si Pacco. Naka-ilang tawag sya na paulit-ulit rin nilang pinapatay.

"Ang kapal ng mukha. Sakristan pa man din tapos ganoon ang ugali!" Tinuro ako ni Agusta. "Maraming gwapo sa OLFU. Hanap na lang kita."

"Sakristan lang sapat na," Pabirong sambit ko.

Hindi sinasagot ni papa ang tawag ko pero nag sesend sya ng text kapag mag papadala sya ng pera pang gastos.

Kumusta na kaya si Papa doon?

Tumingala ako sa kalangitan. Makulimlim ang panahon. Nag madali ako papasok sa loob ng Campus. Baka maabutan ng ulan. Wala ako'ng dalawang payo'ng.

Kinuha ko ang jacket sa bag. Palagi ako'ng may dala nito. Sakto namang malamig ang hangin kaya magagamit ko.

May mga studyante sa hallway. Mga nag ku-kwentuhan, Nag lalaro at iba pa. Ramdam na ramdam ko ang lamig ng hangin kahit naka-suot ng panglamig.

Inilapag ko ang bag sa loob ng room at lumabas. Sumilip ako sa ibaba. May mga estudyanteng tumatakbo. Umaambon na kasi.

"Ang lamig..."

Gulat akong lumingon. Nakatayo si Pacco ngayon sa tabi ko.

Tinikom ko ang bibig. Hindi ko alam ang sasabihin!

"Bakit ganyan ka makatitig sa akin?" Takang tanong nya.

"Ah..." Ang tanging na sagot ko.

Soulmate's Prayer. (Malabon Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon