Chapter 11

370 30 19
                                    

"Ang tahimik mo."

Hindi ko sinagot ang tanong ni Deri.Pinag patuloy ko ang pag susulat ng notes.

"Huy, May problema ba?"

Lumingon ako sa gawi nya at ngumiti. "Okay lang ako. Iniisip ko lang 'yung mga assignments natin."

Hindi rin ako sumabay sa kanya. Gusto ko munang mapag-isa kahit sandali. Huminto ako ng makitang nag lalakad si Casse palabas. Kung ipagpapatuloy ko ang pag lalakad, Magkakasabay kami. Masama pa rin ang loob ko sa kanila.

"Casse."

Kumunot ang noo ko ng makita si Thorch sa labas. Wasted na wasted sya. Pinagtitinginan na rin ng ibang mga studyante.

"Thorch?" Takang tanong ni Casse.

Nanatili ako sa kinatatayuan.

"Nakita mo na ba si Patch?" Aniya.

"Hindi rin namin alam."

"Tangina naman! Sabihin nyo na sa akin kung may alam kayo! Isang buwan na akong parang tangang kakahanap sa kanya!" Hinawakan nya ang ulo sa sobrang frustration na nararamdaman.

Pumikit na lang ako. Hindi ko rin alam ang gagawin.

"Kahit pigain mo ako, Thorch! Hindi ko alam kung nasaan 'yang girlfriend mo!"

Nainis ako bigla sa pag sigaw ni Casse kay Thorch. Pwede nya namang intindihin 'yung tao dahil nasasaktan ngayon. Bigla bigla na lang syang iniwan ng girlfriend nya.

Hindi na sumagot si Thorch. Wala sa sariling tinalikuran nya si Casse.

"Dahlia," Aniya ng makita ako.

"Sana hindi mi sinigawan 'yung tao, 'di ba? May pinag dadaanan sya."

"Ang kulit kase... Hindi ko nga alam kung nasaan si Patc—"

"Sige," Tipid na sagot ko.

Wala pa 'yung kambal ng maka-uwi ako.  Sobrang.  Gumulo ang tropahan. Ewan ko ba kung dahil sa pag alis ni Patcherie o dahil sa iba pang dahilan.

Inayos ko na lang ang mga damit namin. Ayokong mag bukas ng mga social media accounts. Iwas negativity na rin. Nag rosary ako ng sumapit ang alas-sais. Inilabas ko lahat ng na sa isipan ko para naman gumaan ang pakiramdam ko kahit papaano. Kinuha ko ang cellphone at tinawagan sila Lola.

"Apo! Napatawag ka? May problema ba?"

"Wala naman, Lola. Na-miss ko lang kayo. Kumusta dyan sa Mindoro?"

"Maayos kami! Kayo? Kailan ba kayo uuwi ng papa mo at kambal?"

"Mag iipon ako ng pera, La. Tapos uuwi kami dyan. Gusto ko na rin kayo makita."

"Hihintayin ko kayo."

Pinag luto ko ng pagkain ang kambal. Uuwi na rin  'yon maya-maya.

"Ang lungkot mo, Ate."

"Ha?" In-angat ko ang paningin sa kanilang dalawa.

"Okay ka lang? Matulog ka na kaya. Kami na kang mag liligpit."

"Okay lang ako. Kumain na kayo dyan. Masarap ba luto ko?"

Sabay silang tumango. "Pwede na mag-asawa.  Nakita namin si kuya Pacco kanina d—"

"Saan?"

"Nandyan sa tapat ng  pintuan."

Dali-dali akong tumayo. Pareho kaming nagitla ng buksan ko ang pintuan. Nakatayo sa tapat ko.

Soulmate's Prayer. (Malabon Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon