Chapter 6

425 33 17
                                    


"Ate!"

Itinigil ko ang pag lalaba ng marinig ang sigaw ni Dino.

"Ate, Ang sakit!"

"Anong masakit?"

" Yung ano ko.."

Napasabunot ako sa sarili. Kahapon kasi nag patuli 'yung dalawa kong kapatid sa center.

"Ano... Hindi ko alam ang gagawin. Dino naman kasi."

"Gumawa ka paraan ate ang sakit!"

"Sandali lang. Tatawag lang ako sa kapitbahay namin."

Dali-dali akong nag lakad palabas ng bahay.

"Dahlia!"

Huminto ako sa paglalakad ng makitang naka-upo si Pacco doon sa gilid kasama yung mga kaibigan nya.

"Oh? Saan punta?" Takang tanong ko.

"Bb."

"Ha? Anong bb?"

"Kita." Ngumisi siya. "Basket Ball kasi."

Nag hiyawan yung mga kasama nya.

"M-Mauna na ako." Iniwas ko ang tingin.

"Ikaw? Saan ka rin pupunta?"

Lumunok ako bago lumapit sa tainga nya at bumulong. "Y-yung kapatid ko baging tuli, hindi ko alam ang gagawin."

"Alam ko. Tara."

"Pre, mag basket ball tayo! Saan ka pupunta?" Takang tanong ng lalaki.

"Kayo muna. May gagawin lang ako."

Hinatak nya ako papasok sa loob ng bahay namin.

"Nasaan na sila?"

"Na sa cr."

Pinulot ko ang mga damit na nakakalat sa sahig. "Nag lalaba ka?"

"Oo. Wala namang ibang gagawa nito. Ano ba ang kailangang gawin?"

"Tubig mainit. Ako na lang. Mag laba ka na."

"O-oh, sige."

Habang nag lalaba ako, pasimple ko syang tinitignan. Pumikit ako ng mariin dahil sa ginagawa ko sa kanya.

Mag laba ka, Dahlia.

"Nag hahanap ng isang working student 'yung i love milktea doon sa palengke," Aniya.

"Sa tabi ng Ever?"

Binuksan nya ang kalan at humarap sa akin matapos isalang ang takure.

"Tuwung sabado at linggo lang naman. Half day. Payag ka?"

"Oo naman! Nag hahanap rin ako ng part time sabi ko sa 'yo, di ba?"

"Bukas. Ipakikilala kita sa may ari. Hindi naman mapili 'yon basta ba may good image ka lang."

"Doni at Dino, nandito si Kuya Pacco nyo."


"Sino sya ate?"

"Kaibigan ko. Wala kasi akong alam sa tuli-tuli na 'yan kaya tinawag ko sya. Okay lang ba pumasok sya?"

"Sige, Ate."

Binuksan ko ang Cr at sinenyasan si Pacco na pumasok sa loob. Nakahinga ako ng maluwang ng makitang nakangiti na ulit yung kambal. Dito ko na pinakain ng tanghalian si Pacco. Pasasalamat na rin dahil sa ginawa nyang tulong. Bago sya umuwi sinabi nya pa ang mga dapat gawin sa kambal na bagong tuli.

Soulmate's Prayer. (Malabon Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon