"Teacher! Janica pooped and she didn't know what to do!"
"Nasaan s'ya?" Inilapag ko ang mga libro. "Walang mag iingay, Class. Kapag may narinig ako'ng ingay, hindi kayo mag lalaro ng clay."
"Yes po, Ma'am."
Kumuha ako ng palda at panty sa locker ni Janica. Hindi naman big deal sa akin kung dumimi sila. Kaya ko namang hugasahan.
"Janica, Teacher Dahlia is here."
"I'm sorry teacher."
Ngumiti ako sa kanya. "No problem."
Hinugasan at inayusan ko s'ya. Nahihiya pa nga'ng bumalik sa classrom. Baka daw pag tawanan sya. Mga bata talaga.
Na sa loob ng room si Pacco. Seryoso'ng-seryoso ang tingin nya sa mga bata'ng nakayuko.
"Ano'ng nangyari?" Taka'ng tanong ko.
"Next time tumawag ka ng sub teacher para tignan ang klase mo. May quiz ang mga estudyante ko at ang ingay-ingay nila," Aniya.
"Pasensya na. Sa susunod pag sasa-"
"Talagang pag butihin mo, Ms. Sandiego dahil kung hindi, matatanggal ka rito."
"Oo."
Tuloy-tuloy sya'ng lumabas ng room.
"Anong sinabi ko sa inyo?" Sermon ko sa kanila.
"Na wag po'ng mag -iingay."
"Oh, Anong ginawa nyo?"
"Nag-ingay po."
Bumuntong hininga ako. Hindi ko sila pinag laro ng clay hanggang sa maka-uwi. Dapat nilang matituhan ang leksyon.
"Sama ka sa monumento, Jerelle.?"
Tumango ako kay Ma'am Linda. "Sige po."
Kaming limang teachers ang mag kakasama. Ang iba ay kinailangang umuwi. Ako lang ang pinakabata sa amin. Sa huli, sasakyan ko ang ginamit.
Kumapit ako sa sasakyan ng makitang tumatakbo si Pacco papunta sa gawi namin.
"Tara na, Sir. Mag sasara na 'yung restaurant sa vmall."
Umiling sya at tipid na ngumiti. "May pupuntahan pa po ako."
"Saan?"
"Date."
Mabilis ako'ng pumasok sa loob ng sasakyan. Sinara ko ang pintuan at bintana para hindi marinig ang pinag-uusapan nila. Maya-maya pa pumasok na silang apat sa kotse.
"M-May girlfriend po ba si Sir?" Nag-aalinlangang tanong ko.
"Alam ko dati mayroon. Noong birthday ni Ma'am Sacueza, Nag kwento si Sir tungkol sa babaeng nobya nya. College daw sya noon at ang babaeng 'yon ang sumira sa buhay nya."
Kinagat ko ang labi. Ako ba 'yung tinutukoy nya?
"At ito pa," Sabat ni Ma'am Santos. "Hindi daw nag karoon ng girlfriens si Sir pero bali-balita ngayon sa school may kasama sya'ng babae noong nakaraan. Nag tatawanan. Nag haharutan."
"Sobra ka naman, Ma'am. Malay mo kaibigan lang—Ay jusmiyo!"
Wala sa sariling na ipreno ko ang sasakyan. Gulat na gulat sila'ng apat sa kotse.
BINABASA MO ANG
Soulmate's Prayer. (Malabon Series #2)
RomanceDahlia Jerelle san Diego became the mother of her twin brother since they did not know who their biological mother was. She's a firm believer of the Soulmate's Prayer and attended church every sunday. On the Other hand, Niel Mendeville, A sacristan...