Chapter 33

421 23 7
                                    

Kinatok ko ang pintuan nila Casse. Sabado ngayon at na pag pasyahan ko'ng dalawin sila ng anak nya.


"Jerelle!" Masaya'ng tawag sa akin ni Tita, Mama ni Casse.


"Hello po. Nandyan po ba si Casse?"


"Na sa kwarto. Gisingin mo na lang."


Inilapag ko ang dalang pagkain sa lamesa nila. Umakyat ako at dumiretso sa kwarto nya. Naabutan ko sila'ng dalawa ni Steffa na natutulog. Nakayakap sya sa anak. Iba talaga maging nanay ang loka-loka.


Kinalabit ko si Casse.


"Hmm?" Aniya.


"Gising na."


"Nakakaloka ka!" Tinakpan nya ang mukha. "Bakit ka na padpad dito sa bahay?"


Umupo ako sa tabi nya. "Masama ba'ng  dalawin ka?"


Iniwan namin si Steffa na mahimbing na natutulog sa kwarto. Bumaba kaming dalawa at nag tungo sa Kusina. Nag luluto ang mama nya ng makakain.


"Ano? Kumusta ka naman?" Tanong nya.


"Okay lang. Bakit mo naman tinatanong?"


"Kumusta puso?"


"Talagang tinatanong mo pa 'yan, ano?"


Tinawanan nya ako. "Gusto ko lang naman malaman. Ikaw naman friendship."


Nag tagal ako ng ilang oras sa kanila. Hanggang maka-uwi ako, hindi pa rin na gigising si Steffa. Mahimbing na mahimbing ang tulog.


"Kasama ni Sir 'yung nililigawan nya sa room," Rinig ko'ng sabi ni Ma'am Sacueza.


"Ang sexy. Panalong-panalo si Sir."


Pinag patuloy ko ang pag lalakad papuntang Classroom.  Madadaanan ko dila Pacco.


"Goodmorning,  Class. She's Ma'am Miles De Caprio. Sya muna ang papalit sa akin habang na sa ibang lugar ako." Gumilid ako at pasimpleng sinilip ang loob ng room ni Pacco.


Dati ako ang kasama nya sa harapan ng mga bata. Ngayon iba na. Kami dapat 'yan.


Ngumiti ako pag pasok ng room. Tahimik sila. Mabuti naman at sinunod ang utos at sermon ko.


Nag bigay ako ng mga Candy sa kanila. Binili ko sa Mall kahapon pagkagaling kila Casse.


"Goodbye, Class!" Kumaway ako sa kanila.



Sinalubong sila ng mga nanay nila. Na-miss ko tuloy si mama. Mag kaiba ang oras dito sa oras nila sa madrid. Kapag tinatawaga ko, Walang sumasagot.


Kinuha ko ang cellphone sa bag. "Hello, Tito."


"Hello, Anak. Nag padala ako ng pera sa ATM mo."


Lumiko ako sa hallway. "Salamat po."


"Mag-ingat ka," Si Pacco.


"Alagaan ko'ng mabuti ang estudyante mo." Ngiti ni Miles.


Hinalikan ni Pacco ang noo ni Miles bago sya sumakay sa kotse.


"Natahimik ka? May problema ba?" Nag aalalang tanong ni Tito.


"P-po... Opo," Napapabuntong hiningang sagot ko.


Tuloy-tuloy ako'ng nag lakad hanggang makalabas ng gate. Hindi nakawala sa paningin ko ang nakaka-asar na ngisi ni Miles.


Soulmate's Prayer. (Malabon Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon