Chapter 40

708 29 5
                                        

"Congrats!" Nakangiti'ng bati namin kay Agusta.

Nanalo ang Product nya sa may pinakamaraming gumagamit. Matunog din ang kumpanya sa iba'ng bansa.

"Salamat!" Yinakap nya kami.

"Wala ba'ng pakain dyan? Nagugutom na ako, Agusta. Kanina pa kami nag hihintay sa 'yo." Tinarayan sya ni Casse.

"Napakataray mo." Siniko sya ni Patch.

Si Monique ang hindi namin kasama ngayon. Nakaka-miss nga kasi walang umaawat kapag nag haharutan si Casse at Agusta. Sana kung ano man ang problema nya, Sabihin nya sa amin.

Nandito kami ngayon sa building ni Agusta. Sinabuhan nya kami kagabi na pumunta. Hindi naman ako busy kaya nandito ako ngayon.

Sabay-sabay kami'ng apat pumunta sa buffet area. Iniwan kami ni Agusta. Marami pa daw sya kailangang ka-usapin at may interview pa sa mga reporters. Iba talaga kapag successful.

"Isang linggo na lang kasal mo na Patch, Mawawala na ang Avsuduh mo," pang-aasar ni Casse.

"Ano'ng avsuduh?"

"Duh! Virginity! Puri! Hindi mo alam?"

Biglang na samid ng wala sa oras si Patch. Pumagitna na ako sa kanilang dalawa. Mamaya kung ani pa'ng masabi ni Casse. Nakakahiya sa makakarinig. Kami sanay na sa kanya. Paano 'yung iba? Baka sabihan lang sya ng hindi maganda.

Umupo kami sa naka-assign na table. Hindi pa rin tumitigil sa pag-aasaran ang dalawa. Ang tatanda na, mga isip teenager pa din hanggang ngayon.

"Goodevening, Everyone." Si Agusta ang nag sasalita sa harapan. "I would like to introduce my co-stock holder. Give him around of applause, Mr. Niel Mendeville.".

Ako naman ang na samid ngayon. Aga-agad ko'ng ininom ang isang basong tubig.

Narinig ko ang tawa ni Casse.

"Have a nice day. I woul like to thank, Ms. Agusta Saniel Arevallo for giving me this opportunity to be part of her successful company."

Nag palakpakan ang lahat ng tao. Nanatili ako'ng nakatalikod sa stage. Tinatawanan na ako ng dalawang gaga ngayon. Kapag nakahanap ako ng pang-asar, ibabalik ko sa kanila ang ginagawa nila sa akin.

Todo naman ang aircon dito sa loob pero bakit parang ang init?

"Pinag papawisan. Kinikilig 'to!" Dinuro-duro pa ako ni Casse.

"Manahimik ka nga!"

"Wag mo namang asarin si Dahlia—Hi!"

"Hi, Pacco! Mas lalo ka'ng gumagwapo ngayon!"

"Thank you. You too."

"Ay taray! Englishero na rin!'

Nakahinga aki ng maluwang pag lagpas nya. Dumiretso sa dulong table at doon umupo.

"Alam mo, kung mahal mo pa, Dahlia, Subok na ulit!" Hinatak ako patayi ni Casse!

"Loka ka!"

Pinag titinginan kami ng mga tao. Huminto sya sa pag kaladkad sa akin sa mismo'ng table ni Pacco.

"Pwede maki-share ng table, Mr. Mendeville?"

"Sure."

Kung pwede ko lang sigawan si Casse, kanina ko pa ginawa. Ayoko namang masira ang party ni Agusta kaya kinalma ko ang sarili. Umupo sya sa tabi ng babae. Tanging sa tabi na lang ni Pacco ang bakante.

Soulmate's Prayer. (Malabon Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon