Chapter 5

470 33 3
                                    

"Deri, Sandali—"

"Uuwi na ako, Dahlia. Ma-iwan na muna kita dito."

"Pero kasi—"

"Sasabay ako sa 'yo bukas, Promise."

Wala na akong nagawa ng tumakbo na sya palayo. Hindi pa naman ako sanay umuwi mag isa. Simula noong mag simula ang klase, sabay kami laging umuuwi. Ngayong araw lang talaga kami hindi nag sabay.

Pagbaba ko ng hagdanan nandoon si Pacco. Nakasandal sa railings. "Ikaw lang? Nasaan si Deri?"

"Kailangan nya na daw umuwi."

"Ikaw? Uuwi ka na rin?"

Tumango ako. "Wala naman akong pupuntahan."

"Gusto mo pumunta sa bayan?"

"Ngayon?"

"Oo."

"S-sige. Ano gagawin natin doon?"

"Basta."

Nag lalakad kami ngayon sa harapan ng simbahan.

"Malabon City is famous  for its ancestral homes that could be compared to the old Spanish colonial mansions in Vigan, the City of Malabon is one of the cities that make up the Metropolitan Manila. "

"Talaga? Saan naman dito 'yung lugar na may mga ganoong bahay?"

"RAYMUNDO HOUSE ang pangalam ng Ancestral house at sa Arellano St., Conception ang lokasyon. At ito rin ang pinakamatandang bahay sa lugar natin."

Maraming mga tao ang nakakasalubong namin. Sa gilid ng kalsada kami para hindi maanitan.

Itinuro nya ang Tuktok ng City hall. "Alam mo bang may tumalon dyan dahil sa pag aaral?"

"Oo. May video pa nga."

"Kaya ikaw kapag nahihirapan ka sa pag aaral, mag patulong ka."

"Hindi naman ako tatalon."

"Ayon naman ang Pagamutang bayan ng Malabon."

"Nakikita ko."

Narinig ko ang pag tawa nya.

Sunod naming pinuntahan ang public market.

"Manghang mangha ka naman. Hindi ka pa ba nakakapunta dito?"

"Pangatling beses pa lang."

"Kapag may research kami, Dito ako nag lalakad lakad para makakuha ng ideas."

"Saan ka nag aral ng Highschool?"

"MNHS."

"Ang layo non sa Makatao."

Tumango sya. "Doon kami nakatira dati sa Hulong duhat. Tapos lumipat sa Makatao."

Nag libot libot kami sa bayan. Wala pa masyadong tao at tanghali rin kaya mga na sa loob ng bahay 'yon.

"Jollibee?"

"Nag titipid ako," Sagot ko sa kanya. "Hindi nga ako gumagastos ng pera sa School tapos yayayain mo ako."

"Libre ko na. Kakasahod ko lang."

Hinataka nya ako papaasok sa Jollibee. Sya na rin ang um-order ng kakainin namin. Okay lang naman sa akin, sya naman ang gagastos kaya hindi ako aangal kung ako man ang bibilhin nya.

Soulmate's Prayer. (Malabon Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon