Sabi nila kapag na kita mo ang taong mahal mo, magiging masaya ka at kikiligin. Pero ngayo'ng na sa harapan ko sya bakit hindi ko maramdaman ang pakiramdaman na 'yon? Tanging sakit."Dahlia..." Aniya.
"A-alis muna ako," Paalam ko.
"Saan ka naman pupunta, Apo?" Humarang si Lola sa tapat ko.
"Nahihilo ako, La. Matutulog muna ako."
Nanginginig ang mga kalamnan ko habang nag lalakad papalayo sa kanila. Hindi pa ako tuluyang nakakapasok sa loob ng bahay, May kamay na humawak sa braso ko. Pag lingon ko, Si Pacco.
"Pwede ba tayo'ng mag-usap?" Kalmado'ng tanong nya.
Pabalik-balik ang tingin ko sa kanya at sa braso nya'ng hanggang ngayon nakakapit sa akin.
"Alisin mo ang braso mo," Utos ko.
Agad nya namang sinunod. "Mag-usap tayo, Dahlia. Please. Marami ako'ng gusto'ng sabihin sa 'y—"
"Ano ba'ng problema mo, Niel? Mag papahinga ako."
Kailangan ko ng maraming tulog. Mamayang gabi gaganapin ang birthday ni Lola sa tabing dagat. Pabagsak ako'ng humiga sa kama. Kumikirot ang puso ko ngayong nag kita kami ulit. Naaalala ko ang mga masasakit na salitang sinabi nya sa akin at kung paano nya ako tratuhin.
Alas-tres ng hapon ako na gising. Ako pala ang toka sa pamimili ng mga lulutuin. Simple'ng violet shirt at short ang isinuot ko. Maputik sa palengke.
"Mamimili na ako, Lolo."
"Mag sama ka ng dalawa para may mag buhat ng pamimilhin mo."
Ngumiti si Pacco ng mag tama ang paningin namin. Hindi ko s'ya pinansin. Bahala ka sa buhay mo. Dumiretso ako papunta sa gate para makalabas. Wala pa naman gaanong dumadaang trycicle dito.
"Ali!" Nakangiting tawag ko.
Huminto ang tricycle na minamaneho nya.
"Nandyan ka na pala. Susunduin dapat kita. Sinabi ng Lola mo na mamamalengke ka kaya hiniram ko 'to."
"Tara. Samahan mo ako."
"Dahlia!"
Mabilis ako'ng sumakay sa Tricycle. "Paandarin mo na!" Naaalarmang utos ko kay Ali!
Kahit nag tataka ang mukha nya, Pinaandar nya din naman. Nilingon ko si Pacco. Kunot na kunot ang noo nya. Pinarada nya ang Tricycle sa gilid ng palengke pag tapos ay inalalayan ako pababa.
"Manong Juancho, Pabantay naman po ng Tricycle ni papa. Mamimili lang kami."
"Aba'y sino ba 'yang magandang binibinig kasama mo?"
"Nililigawan ko ho."
Na gulat ako ng bigla sya'ng lumingon sa akin.
"Binata na ang Ali namin!"
Natatawang sinenyas sa akin ni Ali ang daan papuntang palengke. Namili kami ng mga Karne, Gulay, Prutas at kung ano-ano pa para sa engrande'ng selebrasyon ng birthday ni Lola. Ginastusan ko talaga kahit maubos ang laman ng ATM. Tuwing nag kukwento sya sa akin, hindi nya pa daw naranasan ang magarbong handaan. At dahil mahal na mahal ko sya, Mararanasan nya ito ngayon.
Hinatak ako ni Ali sa kabilang gilid. Sya ang sumalo ng putik na dapat ay akin dahil sa mabilis na takbo ng sasakyan.
" 'Yung damit mo..." Kinuha ko ang Panyo sa bulsa at pinunasan ang dumi doon.
![](https://img.wattpad.com/cover/270471579-288-k873431.jpg)
BINABASA MO ANG
Soulmate's Prayer. (Malabon Series #2)
RomanceDahlia Jerelle san Diego became the mother of her twin brother since they did not know who their biological mother was. She's a firm believer of the Soulmate's Prayer and attended church every sunday. On the Other hand, Niel Mendeville, A sacristan...