WARNING: MAY MGA VIOLENCE AT HINDI KAAYA-AYANG SALITA KAYONG MABABASA. KUNG HINDI KAYO SANAY SA GANITO, BETTER SKIP THIS CHAPTER! THANK YOU!
Umatras ako. Isa, dalawa, tatlo, apat na hakbang.
Halo-halo ang reaksyon nila. May natatawa, may nandidiri, may mga malungkot at mga ngising pang manyak.
"Banal banalan ka, na sa loob rin pala ang kulo mo!"
May lalaking humarang sa pintuan. Maging sa kabila! Hindi ako makaalis! Gusto ko ng umalis dito...
"May nalalaman ka pa'ng scandal scandal sa recitation, May ganoon ka rin pala!"
"Ano ba! Bitawan nyo nga ako!" Pilit akong kumakawala sa hawak ng dalawang lalaki!
"Kahit sumigaw ka, Hindi ka maririnig ng mga teacher, Ms. Scandal! May meeting silang lahat!"
"Guys, Tama na. Wag ninyong ganyanin si Dahlia. Please. Babae pa rin sya."
Nanlaki ang mata ko ng kinapa-kapa ng lalaki ang pwetan ko!
"Gago ka!" Sigaw ko at tinadyakan sya sa bayag!
Kinuha ko ang pagkakataon na 'yon para tumakbo palabas.
"At saan ka pupunta?" May humarang na naman sa akin sa hallway.
"Layuan mo nga ako!"
Akala ko may gagawin pa sya. Kusa na pang syang gumilid at sumenyas sa ere. Bawat room na madaraanan ko binabato nila ako ng kung ano-ano. May malambot, may matulis, may bato, may gunting. Wala akong magawa kung hindi tumakbo at salubungin ang mga binabato nila. Tanging braso ang pinangsasangga ko para hindi matamaan ang mukha.
"Aray!" Mayroong tumulak sa akin pababa ng hagdanan.
Matalim ko sila'ng tinignan bago tumayo.
"Ano? Bakit ganyan tingin mo?! Lalaban ka?"
"Balita ko criminal papa mo? Criminal na, gumagamit pa ng shabu, tama?"
Nag pakawala ako ng malakas na buntong hininga dahil sa mga sinasabi nila. Hinawakan ko ang bandang noo, may mga tumutulong dugo. Puro gasgas na rin ang braso ko. May sugat ako sa mag kabilang tuhod.
"Malandi ka! Nakakahiya! Bakit may estudyante'ng nakapasok dito na may scandal!"
Tumakbo ako ng bigla nilang ibato sa akin ang mga nakalamukos na papel.
"Bal!" Sinalubong ako ni Pacco sa gilid ng hagdaman. Gulat na gulat ang reaksyon ng makita ako. "Anong nangyari? Bakit may dugo ka? Bakit ganyan ang itsura mo?"
Na sa ibaba lang ng sahig ang paningin ko. Ang bigat bigat sa pakiramdam. Hiyang-hiya ako.
"G-gusto ko na lang mawala," Mahinang sambit ko. Inangat ko ang paningin sa kanya. Namuo ang mga luha sa mata ko. "Uwi na ako."
Hindi sya sumagot bagkus inalalayan nya ako'ng mag lakad. Sa tuwing may naririnig ako'ng nag sasalita ng mga hindi magaganda, Sinisigawan ni Pacco. Diretso lang ang tingin ko sa daan. Tinatanggap ko na lang ang mga masasakit na salita'ng binibitawan nila.
Ang sakit sakit sa dibdib. Hindi nila alam ang buong kwento kaya sino sila para husgahan at hiyain ako sa harapan ng maraming tao?
Sakit na nating mga pilipino ang pang huhusga sa isang tao gayong wala silang kaalam-alam. Hindi manlang inisip kung anong maaaring maging epekto ng mga pinag sasabi nila sa isang tao.
"Casse!" Rinig ko'ng sigaw ni Pacco.
Nakikipag sabunutan si Monique at Casse sa limang babae. May mga umawat.
BINABASA MO ANG
Soulmate's Prayer. (Malabon Series #2)
RomanceDahlia Jerelle san Diego became the mother of her twin brother since they did not know who their biological mother was. She's a firm believer of the Soulmate's Prayer and attended church every sunday. On the Other hand, Niel Mendeville, A sacristan...