' I'm Niel Mendeville, your sacristan, a man who is constantly praying to Almighty God to give me a woman whom i will cherish until the day i die. Dahlia is the only person i will ever beg for. She is and always be my Soulmate.'Niel Mendeville's
Inosente'ng mga mata. Balingkinitan ang katawan at hindi gaanong katangkaran. Mayroon din sya'ng maliit na nunal sa ibaba'ng pisnge, bandang kanan. Kapag kumunot ang noo, kulang na lang mag dugtong ang mag kabilang kilay. Palagi'ng pantalon at simple'ng t-shirt ang suot nya tuwing nakikita ko sya'ng nag sisimba. Minsan solo sya at minsan nama'y may kasama'ng dalawang kambal na lalaki. Noong una, Pasimpleng tingin ang ginagawa ko sa tuwing naaabutan ko sya sa simbahan. Hanggang sa linggo-linggo ko sya'ng hinahanap. Mayroong isa'ng bagay na hindi ko maipaliwanag sa kanya.
Wala sa sariling ngumiti ako habang inaalala ang una'ng deskripsyon ko kay Dahlia, Ang babaeng tinatangi ko sa lahat.
"Pre, Buhay ka na!"
Lumingon ako sa pintuan. Napa-ungol ako dahil biglang kumirot ang sugat ko.
"Ano na namang ginagawa ninyong tatlo dito?" Takang tanong ko.
"Dinadalaw ka," Naka-ngising sagot ni Julius.
"Pinabugbog ko 'yung sumaksak sa 'yo." Si Sancho.
"Ni-report ko na sa mga teachers, Pre." Inabot ni Miguel ang dalang prutas.
"Loko kayo. Mamaya madamay pa kayo," Iling-iling na sambit ko.
"Tangina ka, mag kakaibigan tayo kaya dapat mag tulungan."
Tatlong oras ang itinagal nila dito sa Hospital.
Hindi ko alam kung panaginip lang ba 'yung kaninang narinig ko si Dahlia na may sinasabi sa akin habang tulog ako o Hallucination ko lang 'yon.
Siguro na mimiss ko lang sya kaya kung ano-ano ang pumasok sa utak ko.
"Ano ka ba, Pacco, Hindi ka dapat mag-isip ng kung ano-ano sa girlfriend mo."
Si Deri pumasok, Si mama naman umuwi sa bahay para mag luto ng pagkain. Nag tatampo pa rin ako kay mama sa ginawa nya'ng pag sampal at pag taboy kay Dahlia.
Iniisip ko ngayon kung kailan ako makakabalik sa CMU. Tanginang Santiago 'to. Akala ni Dahlia hindi ko malalaman kung sino 'yung pinuntahan nya noong madaling araw. Kaya pala malalagkit ang tingin ng ugok ko'ng teacher na 'yon kay Dahlia dahil may ginawa sya'ng kababalaghan dati.
Hindi ko alam kung ano'ng sunod na trabaho ang papasukan. Tinanggal na ako sa Milk Tea Shop dahil kung tatanggalin nila si Dahlia, idamay na ako. Na rinig ko din ang malaswang usapan nila tungkol sa kumakalat na video ng girlfriend ko. Mga tao nga naman. Hindi alam ang totoong nangyari kung makapang-husga grabe.
"Kumain ka na dyan," Utos ni Mama.
Walang sali-salita ko'ng kinain ang dala nya. Nararamdaman nya naman na galit ako sa ginawa nya kay Dahlia.
Nag lagay ako ng krus sa ibabaw ng kanin gamit ang kutsara.
Sabi ni father, Pag bibigay galang at pasasalamat sa Diyos ang bagay na 'yon sa biyaya. Ilang taon ko na itong ginagawa. Na sanay na ako.
Kinuha ko ang cellphone. Taka ko'ng tinignan ang pangalan ni Agusta.
"Ano na naman?" Bungad ko.
"Nasaan ka ba?! Si Dahlia, Aalis na!"
"Ha? Ano? Anong aalis? Bakit?" Sunod-sunod na tanong ko.
"Girl, nandito kami nila Casse sa Francis at ilang minuto lang darating na ang van na sinasakyan ni Dahlia. Kaya kung gusto mo'ng maabutan sya, Aba, Kilos-kilos din."
BINABASA MO ANG
Soulmate's Prayer. (Malabon Series #2)
Roman d'amourDahlia Jerelle san Diego became the mother of her twin brother since they did not know who their biological mother was. She's a firm believer of the Soulmate's Prayer and attended church every sunday. On the Other hand, Niel Mendeville, A sacristan...