"Goodmorning, Ma'am. Flavor po?"
"Wintermelon."
"Sugar level po?"
"25."
"Toppings?"
"Pearl."
"5 minutes po," Nakangiting sambit ko. Sinenyasan ko si Pacco na gawin ang Milktea ng babae.
Ngayon ang unang araw na mag tatrabaho ako rito. Ako na lang muna ang kukuha ng order at sya ang gagawa.
"Salamat po!"
Hinilot ko ang batok. Nangangawit na. Ilang minuto na lang darating na yung susunod na mag babantay.
"Ang sarap siguro ng winterwatermelon no? Kanina pa may bumibili."
"Wintermelon, Dahlia. Gutom ka na ba?" Natatawang aniya.
"Hala, late ako ng sampung minuto. Sorry."
"Okay lang kuya boy, pero nagugutom na ito. Pwede bang umalis na kami?"
"Aba'y oo. Mag kainan kayo."
Tinikom ko ang bibig sa sinabi nya.
"M-Mag kainan?" Si Pacco.
"Ano ga? Ang ibig ko gang sabihin, kumain na kayo."
Sabay kaming nag lakad ni Pacco papuntang lugawan. Ilang araw na rin akong hindi nakakain dito.
"Dalawang lugaw, isang tokwa at dila, Kuya."
"Nakng! Ang ganda ng chicks na kasama mo!"
"Hindi sya chicks, Kuya Tong. Kaibigan ko. Babae. Hindi basta basta babae."
Tinignan ko ang mukha sa salamin na maliit sa tapat ko. Wala naman akong nilagay na blush-on sa mukha ko. Kung hindi pulbos. Wala ring sikat ng araw para mamula ang pisnge ko. Hindi rin ako tisay.
"Okay ka lang?"
"O-oh? Oo."
"Dalhan natin ng pasalubong 'yung kapatid mo."
"Palabok gusto nila."
Inurong ko ng konti ang bangkuan palayo sa kanya.
Pinilit kong makisabay sa mga kwento nya. Natatameme ako na ewan sa tuwing mag sasalita sya with matching action pa. Ang Genuine nyang tao. Pure na pure.
"Ingat ka pag-uwi."
"Lock mo 'yung pintuan nyo. Kayo lang pa lang tatlo ang nandito."
"Wala namang papasok rito. Maraming tao riyan sa labas at kilala na kami."
Kinawayan ko sya bago pumasok sa loob ng bahay. Naabutan ko 'yung kambal na naka-upo. Hirap na hirap pa rin sila.
Kailangan ba talaga tuliin? Ako naaawa sa kambal.
"Nag dala ako lugaw—Wag na kayo tumayong dalawa. Ako na."
"Salamat, Ate."
Matapos kong ayusin ang pagkain na sinalin ko sa mangkok, inilapag ko sa kanila.
"Ate, Kailan pupunta si kuya Pacco?"
"Hindi ko alam."
"Boyfriend mo ba?"
![](https://img.wattpad.com/cover/270471579-288-k873431.jpg)
BINABASA MO ANG
Soulmate's Prayer. (Malabon Series #2)
RomansaDahlia Jerelle san Diego became the mother of her twin brother since they did not know who their biological mother was. She's a firm believer of the Soulmate's Prayer and attended church every sunday. On the Other hand, Niel Mendeville, A sacristan...