Tamad ako'ng bumangon sa higaan. Binuksan ko ang latop na binili ko noong isang araw para tawagan sila mama.
"Kailan ka babalik dito?"
Dumapa ako sa kama. "Hindi ko pa alam, Ma. May trabaho ako dito."
"Sinabi nga ng Tito mo."
"Ma, Ikaw ang sinisisi ni Pacco kung bakit na baldado ang mama nya. Ano ba'ng ginawa mo, Ma?"
"Ayoko'ng sinasaktan ang mga anak ko."
"A-anong ginawa mo, Ma?"
Mabilis ko'ng pinatay ang videocall. Hindi nya tinanggi. Ginawa nya talaga. Kaya naman pala galit na galit 'yung tao sa amin.
Hinilot ko ang sintido. Kakausapin ko na lang si mama kapag na sa wisyo na ako. Sumasakit ang ulo ko sa nangyayari.
Papunta ako ngayon sa monumento. Nakikipag kita sa akin si Patch. Gusto ko rin naman sya'ng maka-bonding kaya pumayag ako. Pinarada ko ang sasakyan sa gilid ng Kuya J's.
"Patch," Bungad ko.
Umupo ako sa tapat nya. Saktong inilalapag ng mga waiter ang pagkain.
"Na miss kita," Aniya.
"Ako rin."
"May boyfriend ka na ba? Ang dami nyo'ng utang sa akin. Hindi ko alam ang nangyari sa inyo sa loob ng walong taon."
Tinusok ko ng tinidor ang tofu. "May Scandala ako, Patch," Diretsong sabi ko.
Nanlaki ang mata nya. "Dahlia... Ano?"
Kinuwento ko sa kanya ang lahat. Naiyak pa si baliw. Hindi na ako na aapektuhan at na hihiyang ikwento. Hindi katulad dati na umiiyak talaga ako kapag nakakarinig ng hindi maganda. Alam ko sa sarili ko'ng hindi ko ginusto ang bagay na 'yon. Isipin nila ang gusto nila'ng isipin. Hindi ako mag papa-apekto.
"Kailan mo naman balak sagutin si Sir?"
Nandito kami'ng lahat sa faculty ng mga teachers . Nag pakain si Miles. Alam na rin nilang lahat na nag liligawan si Miles At Pacco.
"Hindi ko pa po alam," Nahihiyang sagot ni Miles.
"Aba'y sagutin mo na! Baka maunahan ka pa."
"Hindi po ganoon si Niel. Kapag po na gustuhan ka nya, malabo'ng mag kagusto pa sya sa iba." Nilingon ako ni Miles.
Nilabanan ko ang nakakainsulto nyang tingin.
"Ingat lang. Baka bawiin sa 'yo," Sabat ko.
"Alam ko namang hindi mag papabawi si Niel."
"Paano ka nakakasigurado?"
"Sapat na sa akin makitang nag makaawa ang ex nya habang nakaluhod pero hindi nya manlang binalikan para patigilin sa pag-iyak."
Bumilog ang bibig ko. "Napa—"
"Ah, Guys? Anong meron? Bakit mukhang nag-aaway kayo?"
"Excuse me," Paalam ko.
Nag hilamos ako sa comfort room. Nakita nya pala iyon? Nakakainis!
Kinapa ko ang cellphone sa bulsa. Tumakbo ako pabalik sa faculty. Mabilis kong inagaw kay Miles ang cellphone ko ng makitang hawak nya ito.
BINABASA MO ANG
Soulmate's Prayer. (Malabon Series #2)
RomanceDahlia Jerelle san Diego became the mother of her twin brother since they did not know who their biological mother was. She's a firm believer of the Soulmate's Prayer and attended church every sunday. On the Other hand, Niel Mendeville, A sacristan...