"Ayusin mo naman, Agusta. Jusko. Debutante si Patch hindi Seven years old."
"Ikaw na kaya? Kanina mo pa ako pinangungunahan. Kainis ka."
"Wag mo kong tarayan baka hindi ka makakain mamaya."
"Hindi naman sa 'yo galing ang pang gastos. Kay Thorch kaya kakain ako may pahintulot mo man o wala. "
"Para sabihin ko sa 'yo, Akin ang bahay."
"Sa 'yo nga pero binayaran ka pa rin."
Nagkatinginan na lang kami ni Monique dahil sa bardagulan nila Agusta at Casse.
"Mapanakit mga OLFU, teh. Wag na. Hanap ka na lang sa CMU."
"Wala ngang nag babalak. Sayang mga banat ko."
Mga baliw, di ba? Pag tapos mag talo, Bati na agad.
"Ayusin nyo lahat. Pupuntahan ko na si Patch."
"Ingat, Nique."
Inayos namin ang table para kay Thorch at Patch. Tinignan ko kung maayos ba ang mga ilaw, okay naman. Sunod akong pumunta sa sala kung saan nakalagay ang mga pagkain. Kinuha ko ang cellphone sa bulsa, nag vibrate kasi.
Pacco sent you a friend request.
Kumunot ang noo ko. In-accept ko naman sya. Maya maya pa sunod-sunod ang notification ko.
Pacco liked your profile picture.
Pacco reacted to your Cover photo.
Pacco commented to your post.
Agad kong in-only me 'yung last shared post ko na tungkol sa love life ng makita ang comment nya.
Pacco: Weeh?
Sira ulo talaga! Pumunta ako sa Messenger para mag pm sa kanya.
Dahlia San diego: Wala ka bang magawa?
Pacco: Wala eh. Naka-uwi ka ba ng maayos?
Dahlia San diego: Oo naman. Kapag nag kita ulit tayo at kasama ko si Casse, yung babae kanina, huwag ka munang lalapit.
Pacco: bakit naman?
Dahlia San diego: Basta! Malisyosa 'yon.
Pacco: Okay.
Pacco sent a photo.
Binuksan ko ang sinend nyang picture. May headband sa ulo habang nag pupunas ng toner sa mukha. Talaga naman nag skincare pa.
Nag dalawang isip pa ako kung sasagutin ko ba yung videocall nya o hindi. Tinignan ko muna kung sumunod ang tropahan. Atsaka ko lang pinindot ang Green botton ng makitang ako lang ang mag isa.
"Ang tagal,"Aniya.
"Ano yang itsura mo?" Natatawang tanong ko.
May headband pa rinsa ulo nya. Nag lalagay naman sya ng syrum.
BINABASA MO ANG
Soulmate's Prayer. (Malabon Series #2)
RomansaDahlia Jerelle san Diego became the mother of her twin brother since they did not know who their biological mother was. She's a firm believer of the Soulmate's Prayer and attended church every sunday. On the Other hand, Niel Mendeville, A sacristan...
