Chapter 9

429 30 26
                                    

"Nasaan nga pala papa mo?" Takang tanong ko matapos nyang iabot sa akin ang tuwalya.

Pag tila ng ulan kanina, hinatid namin ang mga bata sa bahay nila. Nandito kami ngayon sa bahay nila. Kinukuha ako ni Deri ng damit pamalit. Sinermunan pa nga kami ng mama nila ng makitang basang-basa kami.

"Sumakabilang bahay."

"Hala, sorry."

"Okay lang. Basta, huwag ka na lang mag babanggit kay mama ng kahit ano tungkol doon, Iiyak 'yon mamayang gabi."

"Sorry talaga."

"Ikaw? Wala ka pang kinukwento tungkol sa mama mo."

Ibinalot ko ang tuwalya sa katawan. "Hindi ko rin alam. Simula ng magka-isip ako, Hindi ko kilala mama ko pero alam ko pangalan nya."

Nakatitig na naman sya. Kung ice cream lang ako, kanina pa ako natunaw.

"Ano naman kasing naisip ninyong dalawa at nag paulan kayo? Romantic ba? Mga hangal. Trangkaso aabutin nyo." Naputol lang ang titigan namin ng dumating si Deri.

Inabit nya ang pajama at tshirt sa akin. Nag palit ako sa Cr. Naabutan ko silang naka-upo sa sala, mukhang nag aasaran.

"Uwi na ako," Pang iistorbo ko sa usapan nila.

"Ano? Maaga pa. Dito ka muna. Please?" Nag puppy eyes si Deri.

" Yung dalawa kong kapatid, Walang kasama."

"Hatid na kita."

Nanlaki ang mata ko. "H-hindi na. Kaya ko naman. Isang jeep lang naman pagitan."

Hanggang makalabas kami ni Pacco ng bahay nila nag tatalo kami na huwag na nya aking ihatid. Natahimik lang ako ng na sa bungad na kami, nag hahanap ng jeep.

"Sandali lang," Aniya.

"Bakit?"

"Puntahan ko lang si Miles. May sasabihin ako. Sandaling sandali lang."

Tanging pag tango lang ang isinagot ko sa kanya. Nakatayo si Miles sa isang tindahan na medyo malayo sa akin. Bumuntong hininga ako. Sabi nya sandali lang, Higit limang minuto na syang nakatayo at nakikipag-usap.

Tinalikuran ko sila. Puro puno 'yung mga jeep na dumadaan. Wala bang bakante dyan? Pinara ko ang yung paparating na jeep. Konti lang ang pasahero.

Nang ihakbang ko paakyat ang paa sa jeep may humawak bigla ng balakang ko.

"Sakay na. Tatakas ka na naman," iling iling na sambit ni Pacco.

"Pakidalian naman po. May mga sasakyan sa likod."

Umupo ako sa kanan. Tumabi sya sa akin. Sya na rin ang nag bayad ng pamasahe namin.

"Bakit mo iniwan si Miles? Nag uusap pa kayo."

"Kasi kailangan kitang ihatid. Maiintindihan nya naman 'yon."

Kinagat ko ang labi para pigilan ang sarili na ngumiti.

"Kambal!" Nakangiting tawag ko pag dating sa bahay. Pina-uwi ko na si Pacco.

"Ate!" Masayang salubong rin nila.

Pinag luto ko sila ng pagkain. Buong mag hapon kami nanood ng anime sa cellphone ni Dino. Mga animer lover kasi.

"Papa," bungad ko sa videocall.

"Oh?" Galit na naman.

"Dumating na ang bill ng kuryente at tubig."

"Punyeta naman! Pera na naman?! Hindi ako nag tatae ng pera! Mag tipid kayo dyan sa kuryente—Malilintikan ka sa akin kapag malaki ang babayaran ko!"

Soulmate's Prayer. (Malabon Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon