Chapter 39

518 21 9
                                    

Hindi na maawat ang pag-iyak ako. Lumabas ako ng sasakyan para tanawin si Pacco. Nag lalakad na sya papalayo sa akin. Gumagalaw ang mga balikat nya. Alam ko'ng umiiyak sya. Tama nga sya, Wala kaming ibang ginawa kung hindi saktan at pahirapan ang isa't-isa. Parang gantihan na lang ang nangyayari. Gantihan na hindi malaman kung saan nag simula.


Maya-maya pa huminto sya sa pag lalakad. Humarap sa akin. Walang gumalaw sa amin dalawa hababg nakatitig sa isa't-isa.


"Hanggang kailan mo ako pahihirapan?" Bulong ko sa hangin.


Tinawagan ko sila Tito. Sinabi ko kung nasaan ako. Nagulat din daw sila bigla na lang ako na wala. Hindi na nag tanong si Tito kung bakit ako umiiyak. Sa tingin ko, Alam nya naman. Nilampasan namin si Pacco na nag lalakad.  Tahimik ako'ng sumakay sa barko. Naiinggit ako sa mga taong nakangiti. Gusto ko na rin maranasan ang totoong kasiyahan. Kailan ka ba darating sa akin?


Inabot ng anim na oras ang byahe ng barko. Sa Cavite kami hihinto. Nandoon ang Pier. Nag text ako kay Patch kung pwede ba nila ako'ng sunduin. Pumayag naman sya agad. Gusto nya rin ako makita.


"Dahlia!" Tawag ni Patch.


"Long time no see," Bati ni Thorch.


Sumakay kami sa Kotse. Ako ang na sa likod. Silang dalawa ang mag katabi sa unahan. Napapangiti na lang ako sa paraan ng pag tingin nilang dalawa sa isa't-isa. Marami nang pinag daanan ang dalawang ito. Deserved nila ang mag balikan.Nag stop over kami sa Mcdo. Sakto namang gutom na ako.


"Chicken Ala king akin," Sabi ko.


"Spaghetti, chicken, ice cream ang akin," Si Patch.


"Alright. Wait me here, Ladies."


Hinawakan ni Patch ang kamay ko. "Thank you so much sa pag kokomport nyong apat kay Thorch."


"Walang anuman. Malapit na kasal nyo."


"Oo nga, e. May s-something ba sa Pinsan ni Thorch at kay Casse?"


"Alam ko dati ex nya tapos nag hiwalay sila. Hindi naman masyadong open si Casse sa ganyan. Si Monique ata alam kasi sila lang naman ni Casse ang hindi umalis dito sa Malabon."


"Wala si Monique ngayon dito."


"Ha?!" Gulat na tanong ko.


"After ng proposal at kinabukasan, Nag paalam sya sa amin. Hindi nya sinabi ang dahilan ng pag-alis nya pero umiiyak sya."


"Kaya pala hindi tumatawag sa akin."


"Makakaattend kaya ng kasal ko 'yon? Sa tingin mo?"

Nag kibit balikat ako. "Sana..."


Naputol ang usapan namin pag dating ni Thorch kasama ang pagkain. May nakatira na sa apartment na inuupahan ko dati. Lahat ng pinuntahan namin, Walang available.


"Sa bahay ka na lang namin."


"Sure ka, Patch?"


"Oo naman. Hindi ka mabo-boring doon. Nandoon  si Mama at sila Patty."


"Mag share na lang ako ng pang gastos natin."


"Hindi na."


Kinabukasan, Nag handa ng almusal si Tita Patricia. Nalaman ko rin na may inampon sila'ng bata.


"Ikaw 'yung babaeng pumunta na sinabi ni papa?"


Tumango si Patch. "Sabi ng papa mo wala ka daw."


Soulmate's Prayer. (Malabon Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon