Chapter 31

398 22 12
                                    

"Bakit hinayaan mo'ng mamaga ng ganyan ang mata mo, Dahlia?" Sermon ko sa sarili.


Hindi ko alam kung paano ako haharap sa mga estudyante ko. Babahain na naman ako ng tanong ng mga batang 'yon.


Kinuha ko ang cellphone sa bulsa. Tumatawag si Casse.


"Makikisuyo lang sana ako, Dahlia."


"Hmm bakit?" Naka-off ang camera ko para hindi nya makita ang pamamaga ng mata.


"Pakitignan mo naman si Steffa. Nakita kahapon noong sinundo ko sya. Doon ka pala nag tatrabaho sa school nya."


"Talaga?" Nakangiting tanong ko. "Sino ang adviser nya?"


"Si Mr. N-Niel Mendeville."


Na wala ang ngiti ko. "Ah. Sige. Titignan ko si Steffa."


"Oh, my ghash. Nakalimutan ko pala. Kay Agusta ko na lang ipapasundo. Sorry."


"Okay lang. Nag kita na rin naman kami. Kaka-usapin ko na lang s'ya na ilalagay ko sa room si Steffa."


"Sure ka?"


"Oo naman."


"Thank you! Bawi ako sa 'yo!"


Ibinaba ko ang tawag. Balak ko sanang huwag pumasok ngayon. Hindi naman ako makatanggi kay Casse. Paulit-ulit ko'ng pinunasan ng yelo ang mata.


Nag suot ako ng shades para hindi halata ang mata. Sinarado ko ang pintuan at maliit na gate.


Wala pa masyado'ng estudyante ang na sa loob ng room. Nginitian ko sila.


Bumuntong hininga ako. Natatakot ako'ng humarap kay Pacco ngayon dahil sa nangyari kagabi. Sariwang-sariwa pa rin ang mga sinabi nya.


Kumatok ako.


"Pasok," Rinig ko'ng sambit nya.


Napa-second look sya sa gawi ko.


"Steffa Cassie Austero," Sambit ko.


"Bakit mo hinahanap ang estudyante ko?"


"Pwede ba sya'ng ilipat sa klase ko kahit ngayong araw lang?"


"Why?"


"Sasabay sya sa aking umuwi. Walang mag susundo."


"Hindi pwede. Ihahatid ko na lang sya sa room mo mamaya kapag tapos na ang klase. Now, You may leave. Mag kaklase na ako," Malamig nya'ng sambit.


Hinayaan ko sila'ng mag laro. Bukas na lang ako mag kaklase. Babawi ako bukas. Masakit ang ulo at mata ko kakaiyak sa gitna ng ulan kagabi. Tumawag pa ako ng mag-aayos ng kotse. Na sira rin ang laptop na binili ko. Na lagyan ng tubig. Titingin na lang ulit ako kapag nakapasyal sa SM Sangandaan.


Inabangan ko si Pacco sa labas ng room nya. Sinundo na ng mga nanay ang mga estudyante ko.


"Tita Dahlia!"


"Steffa." Sinalubong ko sya ng yakap. "How's your schoo?"


"Well, It's fine." Lumapit sya sa tainga ko. "My teacher is so masungit but sometimes he's mabait naman."


Sabi ni Casse conyo ang anak nya. Kailangan ko rin ba'ng mag paka-conyo?


"Really?"


Soulmate's Prayer. (Malabon Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon