"Ang dami mo namang binili. Sa 'yo lahat 'yan?" Lumapit ako sa tabi nya at hinalungkat ang basket kung saan nakalagay ang mga product.
"Hindi naman lahat. Para kay Deri at Mama 'yung iba. Mahilig rin sila sa ganito."
Isang mask at sunscreen ang kinuha ko. Nahihiya akong mag pabili sa kanya ng marami. Baka magamit nya pa sa iba'ng bagay. Hindi naman kami nahirapang mag bayad. Maikli lang ang pila.
Pag dating sa bahay, Nag luto muna ako ng miryenda namin. Busy sya sa pagkalikot ng mga binili.
"Bal, Halika rito."
Isinalin ko ang mga hotdog sa pinggan at lumapit sa kanya. "Bakit?"
"Na budol na naman ako," Nakangusong aniya.
"Ha? Budol? Nino?"
Inilabas nya ang isang kojic at Foaming bottle na 200 ml. "Ang mahal kapag bumili ka ng totoong ganito kaya ito."
Pinanood ko syang hiwaiin ang kojic sa maliliit na parte. Pag tapos, inilagay nya sa loob ng Foaming bottle at nilagyan ng mineral water. Isinara na nya at ilang beses nag pump. May lumalabas na bula sa pinaka-brush.
"Saan mo naman natutunan 'yan?" Natatawang tanong ko.
"Dyan lang sa tabi-tabi. Dalawa binili ko. Isa sa 'yo, isa sa akin." Iniabot nya ang isa pang bote. "Mura lang 'yan. 75 'yung foaming bottle at kojic."
Kinuha ko ang album sa loob ng cabinet. Pinag masdan ko ang picture. May dalagitang babae na karga-karga ang isang malusog na baby. Kami ni mama. Hanggang picture na lang. Masyado pa sya'ng bata dito. Baka kapag nag kita kami, Hindi ko sya mamukhaan. Kilala nya pa kaya ako t ang kambal?
Maaga akong nagising para kuhanin ang sahod. Hindi ako nasamahan ni Pacco kasi umalis sila ng mama nya, Bumili ata ng mga pagkain.
May kumalabit sa akin. Pag lingon ko, Sila Karen at Miles pala.
"Nandito ka na naman?" Tinaasan ako ng Kilay ni Karen.
"Masama?" Inosenteng tanong ko.
"Hayaan mo na, Dahlia. May regla 'yan kaya ganyan ka-sungit."
Kahit naman wala.
"Okay lang. Saan kayo pupunta?"
"Bibili. Wait, kayo ni Pacco?"
Tumango ako. "Mag-iisang buwan na."
"May inuman ang tropahan namin. Sama ka?"
"Nakakahiya. Hindi na."
"Noong isang araw kami nag plano. Sure na talaga. Hindi ka ba sasama? Okay lang naman kung hindi. Kami na lang partner ni Pacco."
Kumunot bigla ang noo ko. Inuman? Wala syang sinasabi sa akin.
"Sige. Partner na kayo."
"Talaga? Salamat! Nako, Huwag ka mag-alala. Sasakalin ko 'yon kapag nag hanap ng chicks."
"Hindi naman sya ganoon," Dipensa ko.
"Matagal pa kayo? Nagugutom na ako, Miles," Iritang sabat ni Karen.
Nag-paalam na akong aalis. Nag mamadali rin kasi ako. Walang tao sa bahay. Nakalimutan ko pa'ng i-lock 'yung pintuan.
Maagang umuwi ang kambal.
"Kunusta klase ninyo?" Tanong ko habang inilalagay ang mga pinggan sa lamesa.
"Si Doni pinagalitan ng teacher, te," Sumbong ni Dino.

BINABASA MO ANG
Soulmate's Prayer. (Malabon Series #2)
RomanceDahlia Jerelle san Diego became the mother of her twin brother since they did not know who their biological mother was. She's a firm believer of the Soulmate's Prayer and attended church every sunday. On the Other hand, Niel Mendeville, A sacristan...