Chapter 4

489 38 8
                                    

"Ipasa na bukas ang assignment, Class."


"Yes, Ma'am," sabay sabay na sagot namin.


Pinagpatuloy ko ang pag susulat ng notes. Isang linggo na rin mag mula ng mag simula ang klase dito sa CMU. Na ninibago pa rin ako. Kamuntikan pa nga akong maligaw noong first day buti na lang nakita ko si Monique.


Inilibot ko ang tingin sa buong classroom. Hindi ko pa naman masyadong close 'yung mga kaklase ko. Bukod kay Deri na unang nah approach sa akin.


"Ano? Review na ba mamaya? Sa bahay na lang kaya?"


Tumango ako sa kanya. "Sige. Sa inyo na lang. Magulo bahay namin."


Mamayang gabi pa naman uwian ng dalawa ko'ng kapatid.


Sabay kaming lumabas ng room.


"Babala lang ha? May kuya kasi ako. Gwapo rin. Full package pag dating sa talino at physical appearance."


"Ha?"

Pinaningkitan nya ako ng mata. "Yung beauty mo kasi, ganyan 'yung mga type nya."


"Ewan ko sa 'yo. Review pinunta ko hindi lovelife."


Tinusok nya ang tagiliran ko."Baka kapag nakita mo 'yung kuya ko, Mabali 'yang prinsipyo mo."


"Saan ba kayo nakatira?"


Lumiko kami para makalabas ng gate ng CMU.


"Lagpas kami palengke. Alam mo 'yung Makatao?"


"Oo. 'yung... may hospital doon di ba?"


Tumango sya. "Yup. Doon lang kami sa bukana. Hindi maganda bahay namin girl pero pede na rin naman."


Binabasa ko ang reviewer habang nakasakay kami sa Jeep. Si Deri naman busy kaka-cellphone. Sinabihan ko ngang mag review kaso ayaw talaga. Makakapaghintay naman ang cellphone pero yung Quiz namin next next day, hindi.


"Para po!"


Bumaba kami ng jeep. Hawak hawak nya ako sa braso. Kinuha nya ang susi sa bag para buksan ang gate.


"Ma, Kaklase ko. Dito kami mag review."


"Oh, sige. Doon na lang kayo sa terrace."

"Hi po," bati ko sa kanya.

"Mag papaluto na lang ako canton kay mama."

"Sweet and spicy ha."

Inilagay ko ang bag sa may lamesa. Tinulungan ko syang ilatag ang lamesa sa gilid ng terrace. Kung ganito ka-peaceful ang paligid, makakapag review talaga ako ng bongga. Kaliwa't-kanan kasi ang ingay sa lugar namin.

"Nandyan na si Deri, ma? Sabi ko hintayin ako sa gate ng University."

"Nandoon sa terrace, kasama kaklase nya."

"Nandyan na sya, magulo na naman."

"Sino?" Takang tanong ko.

Tinanggal nya ang salamin sa mata. "Kuya ko. Tara na. Luto na siguro 'yung pagkain natin."

Tumango ako sa kanya. Sabay kaming bumaba papuntang kusina.

"Kumain na muna kayo bago mag review."

Nahihiya ako. Parang ang awkward kasi. Ngayon lang ako nakapunta sa bahay ng kaibigan bukod sa bahay ng mga kaibigan ko.

"Hoy Deri, Sabi ko hintayin mo ako."

Soulmate's Prayer. (Malabon Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon