Binuksan ko ang pintuan dahil sa sunod-sunod na pag katok.
"Ang tagal!" Bunganga agad ni Casse ang bumungad sa akin.
"Anong ginagawa nyo rito?" Takang tanong ko.
Pumasok silang tatlo.
"Nandito kami para sunduin ka dahil mag sleep over tayo kila Agusta."
"Ano? Alam nyo namang bawal ako. Wala si papa, walang mag babantay sa mga kapatid ko."
"Alam naman namin na hindi ka sasama pero gusto ka pa rin namin ayain kahit hindi ka pwede. Alam mo na rules ng tropahan, Walang gagala hangga't hindi kumpleto.." Si Agusta.
"Dinaanan ka lang talaga namin. Nasaan 'yung kambal?'
"Na sa taas tulog na. Bagong tuli."
"Hala? Weeh? Tingin na."
"Yak. Casse ano ba?"
"Yak daw. Parang hindi ka naman nakakita ng titi sa PNHS noong High School."
Napa- sign of na lang ako ng wala sa oras dahil sa mga pinag sasabi nilang dalawa.
"Pwede ba, Casse? Ang tagal na non! Hindi ko talaga sinasadya promise!"
"Wet na 'yan," Pang aasar ni Casse kay Agusta.
"Dinalhan ka namin Pizza."
Ngumiti ako kay Monique. "Salamat ng marami."
"Sagutin ko lang 'tong tawag ni mama. Tinatanong kung nasaan na tayo." Si Agusta.
Pag labas nya ng pintuan agad na lumapit sa akin si Casse. Sakto namang pumunta sa CR si Monique.
"May balita ka kay Patch?" Tanong nya.
"Wala talaga."
"Naiinis ako sa kanya, sobra. Nag eefort tayo noong birthday nya tapos bigla na lang syang na wala. Hindi manlang nag paalam at hindi wala tayong balita sa kanya. " Dahan-dahang tumulo ang mga luha nya.
Umupo ako sa tabi nya at tinapik ang likod. "Ako rin."
"Naiiyak ako sa inis ha hindi dahil na-mimiss ko sya. Ginawa nya tayong tanga kakaisip kung bakit sya umalis. Sa pag kakaalam ko, wala naman akong ginawang mali sa kanya."
"Wag ka ng umiyak."
Lalong lumakas ang iyak nya dahil sa sinabi ko. Nag perwisyo pa.
"Hoy, bakit ka umiiyak? Rinig na rinig sa labas?" Takang tanong ni Agusta pag pasok.
Sinenyasan ko silang dalawa na dahil kay Patch kaya sya umiiyak.
"Tahan na hoy." Umupo si Agusta sa kabilang side.
"Kinuwento mo ba yung kay Patch?" Si Monique.
"Ewan ko. Bigla na lang syang umiyak."
"Sensya na. Maganda pa rin ba ako kahit maga mata?" Pinunasan ni Casse ang mata nya.
"Tumahan na kayo mga baby girl. Hayaan nyo na si Patch. Tayo na lang apat ngayon. Walang gagaya sa ginawa nya, okay?" Si Agusta.
Nanatili pa sila ng isang oras dito. Sila rin ang kumain ng pizza na para sa akin. Gustuhin ko mang sumama sa sleep over nila, hindi talaga pwede. Sa susunod na lang kapag nandito na si papa.
Kinuha ko ang cellphone para i-video call sana sila lola, Magulang ni papa. Walang sumasagot. Mahina siguro ang internet sa mindoro.
Mag damag kong ginawa ang assignments ko at sa kambal. Mga 2 hours lang siguro ang pahinga ko. Wala akong choice kung hindi bumangon para pumasok. Isang araw ka lang mawala sa klase ang dami na agad hahabulin na requirements at lesson.
BINABASA MO ANG
Soulmate's Prayer. (Malabon Series #2)
Storie d'amoreDahlia Jerelle san Diego became the mother of her twin brother since they did not know who their biological mother was. She's a firm believer of the Soulmate's Prayer and attended church every sunday. On the Other hand, Niel Mendeville, A sacristan...