"Doc, May malay na!"
Umungol ko dahil sa sakit ng likod. Kisame ang unang bumungad sa akin pag mulat ko ng mata.
May tinutok na parang laser sa mata ko ang Doctor.
"Maayos na ang kalagayan nya. Pwede na sya'ng makalabas bukas."
"Salamat, Doc."
Umupo ako sa kama.
"Anong nangyari sa akin, Bal?"
Hindi sya sumagot. Nanatili sya'ng nakatitig sa akin.
"Bal," Tawag ko ulit.
"T-Tatlong araw ka ng walang malay."
"Ha? Bakit? Kumusta 'yung mga kapatid ko?"
"Mataas ang lagnat mo. Nag kokombulsyon ka at masyadong pagod ang katawan mo. Si mama ang nag-aalaga sa kambal." Umupo sya sa tabi ko at inabot ang mansanas. "Hindi ko masabi sa mama mo dahil alam mo naman kung ano ang problema namin."
Bumuntong hininga ako. "Alam ko. Mabuti na rin na hindi mo sinabi dahil ayoko'ng mag-alala sya."
"Pero kung hindi ka pa na gising, Tatawagan ko na sya. Kahit anong galit ko sa kanya, hindi kita idadamay. Irerespeto ko sya bilang mama mo, bilang nanay ng girlfriend ko. Pero hindi ibig sabihin noon na pinatatawad ko sya sa ginawa nya sa amin." Ngumiti sya.
Inalalayan nya ako'ng makatayo para pumunta sa CR.
"Pacco," Tawag ko.
"Hmm? May kailangan ka?"
"Pumasok ka rito."
"Sure ka? Bakit ako papasok dyan?"
"Dali!"
Hindi ma-ipinta ang mukha nya pag pasok.
"Hubarin mo 'yung zipper sa likod ng damit ko," Utos ko.
"Dahlia," Seryosong aniya.
"Ano? Hindi ganoon. Hindi ko lang abot. Kung abot ko naman hindi ako mag papatulong sa 'yo." Ngumuso ako.
Kumuha sya ng damit at tinali sa mata nya. Natawa pa ako sa ginawa nya. Banal na banal talaga.
"Alam mo ba'ng sa sobra'ng pagmamahal ko sa 'yo, hindi ko kailanman na isip na gawin ang bagay na 'yon sa 'yo. Nakakadiri," Sambit nya habang mabilis na binaba ang zipper ng damit ko. "Gusto ko, Inosente tayo'ng dalawa. Gusto ko sa pagmamahal umiikot ang relasyon natin, Hindi sa pag tatalik...Naiintindihan mo ba ako?"
Lumabas ang matatamis na ngiti sa labi ko. Akala ko lahat ng lalaki pagtatalik lang ang habol sa mga girlfriend nila. Mayroon pa palang natitirang katulad ni Pacco sa mundo.
"Naiintindihan mo ba ako, Bal?" Ulit nya.
"Opo."
"Hindi ka kasi sumasagot."
Hinintay nya ako'ng mag bihis. Pinahiga ulit ako pag labas at sinusubuan ng pagkain. Enjoy na Enjoy nya ang ginagawa sa akin.
Hinawakan ko ang ilalim ng mata nya. May eyebags sya. Noong nakaraan naman wala 'to. Maalaga si Pacco sa mukha nya kaya hindi ko tuloy maisip ang dahilan kung bakit may eye bags.
"May tanong ako."
"Ano?"
"W-wag na pala. Mag pa hinga ka na. Lalabas na tayo bukas."
![](https://img.wattpad.com/cover/270471579-288-k873431.jpg)
BINABASA MO ANG
Soulmate's Prayer. (Malabon Series #2)
RomanceDahlia Jerelle san Diego became the mother of her twin brother since they did not know who their biological mother was. She's a firm believer of the Soulmate's Prayer and attended church every sunday. On the Other hand, Niel Mendeville, A sacristan...