Isa-isa ko'ng inilabas ang mga product mula sa plastik. Mas marami na ngayon kumpara sa binigay nya dati. Spa, Lotion, Whitening soap, toner, cream, sunscreen.
Bumuntong hininga ako.
Ang totoo nyan, hindi ko inaasahan na luluhod sya sa harapan ko.
Ganoon nya ba ako ka-gusto?
Tinuktok ko ang noo.
Syempre. Gagawin nya ba 'yon kung hindi, Dahlia?
Medyo late na ako'ng nakarating sa tatawid. Sabado ngayon. Ilang rehearsal pa ang ginawa ko kagabi kung paano kau-usapin si Pacco.
"Magandang umaga," bati nya.
"M-morning."
Tahimik lang kaming dalawa. Wala pa masyadong costumer na bumibili.
Maya-maya pa tumayo sya. Napanguso na lang ako ng lumabas sya.
Hindi manlang lumingon.
Pag balik nya may dala syang dalawang sisig na binibili sa 7/11. Tipid akong ngumiti. Binilhan nya pa rin ako kahit inamin kong harap-harapan na wala akong gusto sa kanya—na hindi naman talaga totoo.
Tumalikod sya sa akin para kumain. Akala ko, aalukin nya ako ako.
Padabog ako'ng tumayo. Kinuha ko ang wallet para bumili ng almusal.
"Ms. Dahlia?" Huminto ako sa pag lalakad ng biglang may babaeng sumalubong sa akin.
"Ako 'yon, Bakit?"
"Ito po, Siomai Rice."
"Sure ka? Akin? Sino nag bigay?"
Inilabas nya ang lalagyan ng siomai at kanin.
Morning
-Sakristan.Sakristan?
Iniisip ko pa rin kung sinong sakristan 'yung nag bigay sa akin. Wala naman akong kilalang sak—
"Kilala ko na!" Biglang sigaw ko na napatayo pa!
Taka akong nilingon ni Pacco.
Napapahiyang umupo ako. "Salamat nga pala dito."
"Welcome," Tipid na sagot nya.
Nag pagulong-gulong ako sa kama. Hanggang ngayon kinikilig pa rin ako!
Bakit kailangan nyang idaan pa sa iba? Pwede namang iabot na lang sa akin ng harap-harapan!
Umupo ako sa kama. "Hindi ka nakakatuwa, Dahlia. God, Ano ba 'to? Bakit mas kinikilig ako ngayong may LQ kami?" Tumawa ako ng malakas! "Hindi naman kami kaya bakit mag kakaroon ng LQ?"
Kinuha ko ang cellphone. Nag backread na lang ako sa chat naming dalawa.
Hanggang backread na lang talaga.
"Punyawa!"
Na pindot ko ang like zone!
Pacco: ?
Dahlia San diego: Na pindot ko lang. Sorry.
Nag hintay pa ako ng ilang minuto baka mahina lang connection nya kaya hindi nag rereply, pero wala talaga.
BINABASA MO ANG
Soulmate's Prayer. (Malabon Series #2)
RomanceDahlia Jerelle san Diego became the mother of her twin brother since they did not know who their biological mother was. She's a firm believer of the Soulmate's Prayer and attended church every sunday. On the Other hand, Niel Mendeville, A sacristan...