Pinag masdan ko ang mga batang nag tatakbuhan.
"Dati puro basura 'to'ng Artex pero tignan mo ngayon.. ang ganda."
Tumikhim ako ng makitang nakatingin sya sa akin.
"Yung sinabi mo kanina..." Umubo ako.
"Manliligaw ako."
"Hindi pa naman kita pinapayagan."
Mahina nya'ng tunuktukan ang noo ko. "Hindi naman patanong 'yung pagkakasabi ko."
"Ano... Gusto kita pero hind ko alam kung kaya ko'ng pumasok sa relasyon."
"Anong sabi mo?"
Tinakpan ko ang bibig!
Hindi ganito 'yung eksenang na sa isip ko. Bakit ganito? Parang kaswal lang! Nakakainis naman!
"Gusto rin naman kita." Nginitian nya ako.
Akala ko gagala kami. Huminto lang kami sa may 7/11 tatawid. Namili ng mga pagkain at inumin tapos dinala nya ako dito sa Artex.
"Bakit dito tayo? Ayaw mo ba sa mall? Mas malamig doon."
"Hindi naman mahalaga ang lugar. Ang mahalaga kung sinong kasama mo. Romantic na sa akin 'yung ganito basta kasama ka."
Wala sa sariling dinaklot ko ang chichirya at binuksan ito.
"Kahit ipagtulakan mo ako kay Agusta, hindi talaga ako lalapit sa kanya."
"Okay naman na. Hindi na kita itutulak sa kanya."
"Mabuti naman." Hinawi nya ang ilang hibla ng buhok sa mukha ko. "Kasi babalik at babalik at babalik at babalik ako sa 'yo."
Natawa ako sa sinabi nya.
"Ganyan ba mag mahal Sakristan?"
"Ako ganito. Ewan ko lang 'yung iba." Nag kibit balikat sya.
"Sabi kasi nila. Narinig ko lang. Mapanakit daw mga Sakristan."
"Naniniwala ka? Sinaktan na ba kita?" Umiling ako. "Puro pagmamahal lang dumadaloy sa dugo ko para sa 'yo."
"Wag ka na manligaw. Tayo na. Gusto ko rin maranasan mag ka boyfriend."
Napakurap sya sa sinabi ko. "Hindi naman ako nag mamadali. Kakasabi ko pa lang na manliligaw ako, sinagot mo na agad ako? "
"Bawal ba? Sa gusto kita'ng maging boyfriend dahil nga gusto kita. Masama ba 'yon? Kung ayaw mo, huwag ka ng manligaw pa—"
"Ang ingay."
Natutulala ako sa biglang pag halik nya. Smack lang 'yon pero parang kukulangin ako sa hininga.
"Hatid na kita."
Buong gabi ako nakatulala sa kisame namin. Pinagmasdan ko ang mukha sa salamin kinabuksan. Putok na putok ang eyebags ko. Nag pabili ako ng yelo sa kambal kaso wala silang nabilis. Masyado pa kasing maaga. Punyawa.
"Goodmorning."
"A-Anong ginagawa mo rito... Ang aga pa."
Inabot nya sa akin ang skyflakes. "Sabay tayo."
Kinagat ko ang labi at lumingon sa kabila para doon ilabas ang ngiti.
Okay lang pala kahit mapuyat ako, kahit magkaroon ng milyon-milyong eyebags basta sya ang dahilan.
"Sabay tayo mamaya, My Soma."
"My Soma?" Takang tanong ko.
Hinalikan nya ang noo ko. Bahagya syang yumuko para mag tapat ang mukha namin.
BINABASA MO ANG
Soulmate's Prayer. (Malabon Series #2)
Любовные романыDahlia Jerelle san Diego became the mother of her twin brother since they did not know who their biological mother was. She's a firm believer of the Soulmate's Prayer and attended church every sunday. On the Other hand, Niel Mendeville, A sacristan...