Chapter 37

506 18 7
                                    

"Ano?!" Gulat na sigaw ni Patch.


Kinuwento ko sa kanya lahat. Ayoko na munang sabihin doon sa tatlo. Alam ko'ng may problema rin sila. Ayoko ng dumagdag pa.


Pinahinaan ko ang volume ng cellphone.


"Galit ako sa kanya."


"Alam mo, Dapat bumalik ka muna sa Madrid para makapag-isip."


"High School pa lang tayo, Nangako ako na attend ako kapag kinasal na kayo. Babalik akong madrid kapag  na tapos ang kasal at na ayos ko na ang mga problema  dito. Hindi na siguro ako babalik pa ng pilipinas."


"Tatanda kang dalaga nyan?" Na tawa sya.


"Pwede. Mas pipiliin ko na lang maging matandang dalaga at alagaan ang mga anak ninyo kaysa masaktan na naman. Nakita mo na ba si Steffa?"


Tumango sya. "Oo, Pinakilala ni Casse. Ang ganda ng anak nya. Sino kaya susunod na mag kakaanak sa atin?"


"Hindi ako. Malabo mangyari 'yan."


"Alam ko naman. Pero feeling ko si Agusta."


Natigilan ako sa sinabi nya. "Kapag mag kasama kayo ni Agusta, Wag ka'ng mag babanggit ng tungkol sa mga baby."


"Ha? Bakit?"


"Basta. Sya dapat ang mag kwento."


"Wait lang. Na sa baba ang organizer ng kasal namin. Tawagan kita later. I love you, Dah! See you soon!"


"I love you too, My Patch. See you soon!"


Pinatay ko ang tawag.


Tatlong araw na ako'ng hindi lumalabas ng kwarto. Nag dahilan na lang ako na may trangkaso. Lalabas na lang ako kapag magaling na ang sugat sa kamao. Dinadalhan nila ako pagkain sa umaga, tanghali at gabi. Nag uutos ako kay Ate Lisa, Unang apo, na mag grocerry para sa amin.


Binuksan ko ang bintana para makasagap ng hangin. Ang payapa ng karagatan. Sumabay pa sa gand ng tanawin ang mga buhangin. May mga nag lalakad na foreigner sa tabing dagat.  Ang aga-aga mga nag su-swimming.


Pababa pa lang ako ng hagdanan amoy na amoy ko na ang nilulutong almusal. Isa-isa ko sila'ng binati. Tahimik ako habang nag kakasiyahan sila sa hapag. Wala talaga ako'ng gana makipag-usap ngayon.


"La, 'di ba may mga bata dyan kami na hindi nag-aaral?" Biglang tanong ko.


"Oo. Bakit?"


"Gusto ko sana silang turuan ng libre."


"Huli ka na, Apo," Sabat ni Lolo. "May nag tuturo na sa kanila."


"Sino?"


"Pag tapos mo'ng mag almusal, pumunta ka sa tabing dagat. Doon sila nag kaklase."


"Samahan nyo po ako, Lo, gusto ko sya'ng makilala at pasalamatan dahil sa pag mamalasakit nya sa mga bata dito


Minadali ko ang pagkain. Inalalayan ko si Lolo hanggang makalabas kami. May nga bangkuan at maliit na black board na nakatayo doon. Maraming mga bata ang naka-upo. Humigpit ang kapit ko sa kamay ni Lolo. Si Pacco ang mag tuturo sa kanya.


"Bakit ka huminto?" Tanong ni Lolo.


"A-ah wala po."


Kahit ayaw ko'ng sumama nag pahila na lang ako kay Lolo.


Soulmate's Prayer. (Malabon Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon