Chapter 15

378 28 13
                                    

"Sigurado kayo? Sumama na kaya kayo'ng dalawa?"

"Ayos lang kami dito sa bahay, Ate. Enjoy-Enjoy ka lang."

"Parang ayoko ng umalis. Mukha'ng may..." Sumingkit ang mata ko. "May gagawin kayo'ng kababalaghan dito."

"Wala! Promise!"

"Sinisigawan mo 'ko?"

"Joke lang."

Sumakay ako ng  jeep papuntang v-mall. Nandooon na pala silang tatlo. Kagabi lang nag message na may alis kami. Biglaan nga. Buti na lang pare-pareho kaming walang pasok ngayon.

Tinakbo ko ang kahabaan ng daan. Ang init-init. Bakit ba kasi tanghaling tapat nila na-isipang umalis. Pwede naman mamayang hapon na lang.

Naabutan ko silang tatlo sa tabi ng Jollibee, kumakain ng siomai.

"Kanina pa kayo?" Bungad ko.

"Medyo... Gusto mo?" Alok ni Monique.

"Syempre."

Una namin pinuntahan ang Clothes store, Namili sila. Isang damit langang binili ko. Ang mamahal.

Kailangan ko'ng mag tipid.

Huminto kami sa make-up. Nangunguna si Agusta. Sales kasi.

"Kung hindi sales, hindi ako bibili. Swear."

"Ang yaman mo kaya 'teh. Mga angkan mo suki ng pageants tapos umaasa ka sa sales?" Si Casse.

"Kahit na binibigyan ako ni Daddy ng pera, Ayaw nya pa rin gumagastos ako sa mga ganitong bagay."

Pumasok kami sa pure gold para mag grocery ng pagkain. Nilibre kami ni Agusta. Kuhanin daw namin kung saan kami mabubusog. Isang malaking piattos at C2 ang kinuha ko.

"Hindi kita kaibigan! Jusko!" Ani Monique.

Nanlaki ang mata ko ng makitang na sa loob ng freezer ng ice cream si Casse!

"Pose ka. Ayusin mo!" Natatawang saad ni Agusta  kinuhanan pa sya ng litrato.

"Psst! Mga neng! Ano 'yan? Bakit nandyan ka sa loob ng Freezer?" Sita ni Manong Guard.

"Nag papalamig lang po," Inosentent sagot ni Casse.

"Ang hot kasi namin," Dagdag pa ni Agusta.

Tinulungan ko'ng makaalis sa Freezer si Casse. Nakakahiya! Pinag titinginan na kaming apat dahil sa ginawa nya.

"Ano ba naman, Casse. Abnormal ka ba?" Takang tanong ni Monique.

"Abnormal? Nakakain ba 'yon?"

Napailing na lang si Monique. Hindi ko kinakaya kabaliwan ni Casse at Agusta. Mga abnormal talaga kahit kailan.

Buong mag hapon kami nag paikot-ikot sa v-mall. Kumain kung saan-saan. Nababawasan ng wala sa oras ang pera'ng iniipon ko.

"Uwi na ako. Nag text na sila sa akin."

"Ano? Mamaya na."

Umiling si Monique. "Kailangan kong sumunod sa oras na binigay sa akin. Hindi na ulit ako papayagan."

"Okay lang 'yan. Mamili ka, Papagalitan ka pero nag enjoy ka o Hindi ka pagagalitan pero hindi ka naman nag enjoy?" Tinaasan sya ng kilay ni Casse.

"Apaka demonyo mo." Tumawa si Agusta. "Sige na. Papagalitan ka. Hatid ka namin sa sakayan."

"Sabay na ako. Walang kasama 'yung kambal," Sabat ko.

"Ano? Ikaw rin? Sige na nga. Mag-ingat kayo."

Soulmate's Prayer. (Malabon Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon