Chapter 21

390 22 25
                                    

"Happy 4th Monthsarry, Bal!"


Tinakpan ko ang bibig. Pag bukas ko ng pintuan ng bahay, Si Pacco agad ang bungad sa akin. May mga balloons sa loob, May mga Sticker sa pader.


Lumapit sya sa akin at iniabot ang bulaklak. Kaya pala hindi nya ako kinikibo nito'ng nga nakaraang araw dahil may surprise pa lang magaganap.


"H-happy Monthsarry," Nakangiting saad ko sa kanya.


"November 2."


"November 2."


Lumapit ako para mayakap sya.


"Perya tayo mamaya."


Tumango ako. "6 pm?"


Nakila Tita Emily 'yung kambal. Madaling-mafali pa naman ako'ng umuwi dahil walang tao sa bahay. Kasama pa lang nag plano ang kambal.


Malapit na ang Christmas kaya binuksan na ulit ang Peryahan sa Robinson. Noong nakaraan pa nga ako inaaya nila Casse. Busy ako kaya hindi ako nakakasama sa kanila. Maraming requirements ang pinapapasa sa amin.


Simpleng off shoulder dress at pink sandals lang isinuot ko. Black Polo shirt at jeans naman ang kay Pacco.


"Ang ganda naman." Pinag masdan nya ako mula ulo hanggang paa.


Naramdaman ko ang pag init ng pisnge!


"T-tara na." Iniwas ko ang tingin sa kanya.


"Sandali," Pigil nya pa. "Ang ganda mo."


"Bal naman.."


Humalakhak sya. Hinawakan ako sa kamay at sabay kaming lumabas. Sya na rin ang nag lock sa pintuan.


Sumakay kami'ng jeep papuntang robinson. Marami-rami na rin ang tao sa peryahan. Mag tatakip silim na kasi. Mas maraming pumupunta dito kapag gabi. Mag eenjoy ka naman talaga.


"Gusto mo'ng sumakay sa Ruweda?"


Nilingon ko sya. "Ruweda?"


"Ferris Wheel. Tinagalog ko lang."


Nag bayad sya para makasakay ng Ferries Wheel. Medyo mabigat sa bulsa. Pina-una nya akong umupo at sumunod sya. Nag hintay pa kami ng ilang pasahero bago tuluyang umandar.


Habang paangat nang paangat ang Ferries Wheel pa punta sa tuktok, Hindi ko ma-iwasang mamangha sa ganda ng tanawin. Dumagdag pa ang sinag ng buwan.


"Pwede ba'ng dito na lang tayo?" Sambit ni Pacco.


Nakasandal sya sa upuan. "Oo ba, basta sagot mo  renta," Biro ko.


"Nakita ko sa album mo sa bahay 'yung picture ninyo'ng mag kakaibigan. Lima pala kayo. Nasaan 'yung isa? Bakit hindi ko pa nakikita?"


Nawala ang ngiti sa labi ko. "Si Patch. Bigla na lang sya'ng na wala ng hindi namin alam. Huling kita ko sa kanya noong bago mag pasukan." Malungkot ako'ng ngumiti sa kalangitan.


Nasaan ka ba?


"May na gawa ba kayo sa kanya?"


Umiling ako. "Wala naman. Ang saya saya namin noong birthday nya kasi kinontyaba kami ng boyfriend nya na i-surprise sya, Yung lalaking na kita mo'ng kasama ko boyfriend nya."


"Si Thorch?"


"Oo. Pati sya hindi nya alam kung na saan si Patch.Masakit sa amin pero mas nasasaktan si Thorch sa lahat."


Soulmate's Prayer. (Malabon Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon