" Malapit na ang exam ninyo. Inaasahan ko'ng mag-aaral kayo ng mabuti para makapasa. Seryosohin ang pag-aaral."
Bumuntong hininga ako. Kahapon ko pa iniisip kung bakit nandirito ang lalaking 'yon? Teacher ba sya rito? O May importanteng kukuhanin dito sa CMU?
"Yes, Ma'am!"
Pacco: Kapag Vacant mo, Punta ka saglit dito sa building namin. May ibibigay ako sa 'yo. Hindi kasi ako makapunta dyan. Sobrang busy ko, Bal.
Dahlia San diego: Sige. Ano ibibigay mo?
Pacco: Secret! Clue: Lucky charm!
Natatawa ko'ng inilagay ang cellphone sa bulsa. Kahit kailan talaga,
Tinapos ko ang isang subject. Pina-una ko na si Deri sa Canteen. Saglit lang naman ako sa room ni Pacco. Maraming estudyante'ng nakatambay sa hallway, sa hagdanan, sa pintuan ng room, mga naka-upo sa sahig.
Nakita ko mula sa malayo si Pacco. Nakatayo sya sa may pintuan, May ka-usap na mga kaklase.
"Nandyan na jowa mo, Pre. Usap na kayo."
"Girlfriend, Pre. Hindi pang kanto 'yang si Dahlia."
Pati 'yung ibang dumadaan na palingon kay Pacco. Maging ako huminto rin sa pag lalakad.
"Arte mo! Ganoon na rin 'yon!"
"Sikuhin kita dyan. Gagaya mo pa ako sa 'yo' na pa iba-iba babae."
Inabot sa akin ni Pacco ang makapal na notebook. "Note ko 'yan noong first year ako. Sana makatulong sa exam mo."
"Ito 'yung bibigay mo?" Tumango sya. "Salamat! Hindi kasi ako nakakapagsulat ng notes."
"Hindi ka nag susulat?"
"Hindi naman sa ganoon. Meron naman ako'ng notes kaso konti lang laman. Wala akong ma-review."
Umiling sya. " Basahin mo na lang 'yung akin. "
"Sige. Una na ako, Bal. Nag hihintay si Deri sa Canteen. Kakain kami."
"Mag-ingat ka." Hinalikan nya ang kamay ko at isang matamis na ngiti ang sumilay sa labi.
"Ikaw rin. Una na ako." Pilit kong binawi ang kamay sa pag kakahawak nya. " 'Yung kamay ko."
"Hatid na kita."
"Ano? Wag na! May klase ka."
"Okay lang."
"Mapapagalitan ka."
"Okay lang."
"Busy ka, 'di ba?"
"Okay lang."
"Pacco," Seryosong saad ko.
Humalakhak sya. "Galit ka naman agad. Maya-maya pa darating si Ma'am. Ihahatid na kita habang wala pa sya."
Pinagmamasdan ko lang sya habang masayang-masaya sa pag kukwento ng buing araw nya. With Action pa. Binigyan nya pa akong pambili ng pagkain para daw hindi na ako gumastos. Ayaw ko namang tanggapin dahil sa kanya 'yon. Si Deri ang kumuha ng pera. Wala naman akong magawa.
BINABASA MO ANG
Soulmate's Prayer. (Malabon Series #2)
RomanceDahlia Jerelle san Diego became the mother of her twin brother since they did not know who their biological mother was. She's a firm believer of the Soulmate's Prayer and attended church every sunday. On the Other hand, Niel Mendeville, A sacristan...