#UnforgettableMistake
CHAPTER 6
FriendsIt's been a week since the night we attended Mrs. Guevarra's funeral. Hindi ako nakasama sa libing dahil may exam kami that day. Excuse si Jessie because she's her daughter. I didn't know if my parents came. They didn't contact me after that night. Maybe they went out for another business trip abroad.
"Wala pa rin," bulong ko nang lumiko sa JB.
Nagkibit-balikat na lamang ako bago nagpatuloy sa paglakad. I only have ten minutes left before our first class starts, so I need to be fast.
Fortunately, our professor came later than I. But to my surprise, I saw Jessie sitting on her seat—in the middle of Luckson and me. I'm about to approach her, but I didn't get the chance because our professor came in and started the lecture.
Pumasok din kaya siya ngayon? Hindi ko lang siguro siya naabutan dahil late na rin ako kanina. And I know he's not in the proper state of mind to wait for me.
Takot na baka maaga rin siyang umuwi, hindi na 'ko nagpaalam pa kay Luckson at dumiretso na palabas ng campus. Ilang metro din ang layo mula sa entrance ng campus namin patungo sa kanila. Sa hinaba-haba ng aking paglakad ay hindi nagbago ang aking desisyon. Tumigil ako sa harap ng entrance ng CEU. There are lots of people, but I trust my eyes.
Patingin-tingin ako kung saan-saan hanggang sa mamataan ko si Jessie patungo kung nasaan ako. Nanlaki ang mga mata ko at bigla na lamang naupo. Napahawak ako sa aking noo bago nakita ang sapatos na suot ko.
We're not required to wear our uniform today, so I'm wearing rubber shoes. Kaagad kong tinanggal ang pagkakatali ng shoelace ko at saka dahan-dahang itinali iyon. Sakto sa paghinto ni Jessie ang pagtapos ko sa pagtali ng sintas ng aking sapatos. Laking pasasalamat ko na lang na hindi ako naapakan ng mga tao habang nakaupo sa gitna ng daan.
Wala akong nagawa kung hindi ang sabayan siya sa paglakad palabas ng peace arch. Hindi ko alam kung ano'ng idadahilan ko kung magpapaiwan ako roon. At saka, pupwede ko naman siyang hintayin na lang doon sa may statue—kung saan siya laging naghihintay. Hindi naman na mainit ang araw ngayon, at hindi ako nakasuot ng long sleeve uniform.
"Can I borrow your notes? Hindi ako nakapasok for the whole week, I missed many things," aniya habang tinatahak namin ang kahabaan ng CEU.
Kaagad akong tumango kahit na malayo ang tinatakbo ng isip ko. I should help her as her classmate. She helped us, too, before.
Tumigil ako nang malapit na kaming makalabas kaya napatigil din siya. Kunot ang kanyang noo nang bumaling sa akin, ngunit umayos din naman nang makitang binuksan ko ang aking bag. Kinuha ko ang nag-iisang binder sa loob ng bag ko. May copy rin ako ng lessons sa laptop, so hindi ako mamomroblema kahit na ipahiram ko sa kanya 'to.
"Thank you," she shyly said, sounding really like her.
"Wala iyon. Isoli mo na lang sa akin kapag super gets mo na," sambit ko at nagpatuloy na kami sa paglakad.
I constantly bit my lips on our way to the overpass. It's not because I'm scared—I do, I'm afraid, but I don't want to go home without talking to him. Hindi ko kayang itanong kay Jessie kung nasaan ang kuya niya dahil alam kong nanghihinala na siya sa akin. Noong burol pa lang! My attitude that time was the reason why she almost caught me!
Oh, no! Caught me for what?! Wala naman akong masamang ginagawa, huh? I'm only worried!
"Dito na lang ako." We both stopped when we're a step away from the first step of the stair.
She remained to stare at me, so I continued, "I'll buy takeout for dinner." I grinned to hide my real agendum.
She pouted before nodding her head. "Then, I'll just see you tomorrow."
BINABASA MO ANG
Unforgettable Mistake ✓
ChickLit[COMPLETED] One night of celebration turns into pleasure. Are they ready for the consequences of their action? Started: April 24, 2021 Ended: July 18, 2021