#UnforgettableMistake
CHAPTER 3
Peace Arch"What's with the bandage?" salubong ni Luckson nang pagbuksan niya 'ko ng pinto.
Hindi ako sumagot, bagkus ay pumasok na lamang ako sa unit niya. This is not my first time here, kaya hindi na 'ko tumingin-tingin pa at dumiretso na lamang sa dining. He messaged me saying that he cooked kaya nandito ako.
"Ano'ng niluto mo?" walang ganang tanong ko nang maupo sa lamesa.
Mga pinggan, kubyertos at kanin pa lamang ang nasa ibabaw ng mesa kung kaya't hindi ko alam kung ano ang ulam namin—ang niluto niya.
"Chicken Adobo," sagot niya bago magtungo sa kusina.
Naiwan akong mag-isa sa hapag. Sinubukan kong 'wag alalahanin ang nangyari kanina kaya nilagyan ko na lamang ng kanin ang aming mga pinggan. Ngunit hindi ko rin napigilan hindi maisip ang tagpo kanina nang matapos ako sa ginagawa.
Hinayaan ko siyang tulungan ako. Kumapit ako sa kanyang braso upang suporta sa aking pagtayo. Pinahintulutan niya naman ako. Ilang sandali pa kaming nanatiling nakatayo roon. Inipon ko ang natitira kong lakas ng mga oras na iyon bago nagpasyang magsimula nang maglakad pauwi.
Nakaalalay pa rin siya sa akin at mahigpit pa rin ang kapit ko sa kanyang braso hanggang sa makalabas kami ng peace arch. Tumigil ako sa labas ng gate na naging dahilan upang tumigil din siya.
"Dito na lang ako," sambit ko.
"Ano'ng dito na lang?" may halong galit na tanong niya nang lingunin ako.
Hindi ko maiwasang mairita sa kanyang tono. Bakit siya pa ang galit ngayon? Ako kaya ang dehado rito! Pwede ko siyang isumbong kay Sister kung gugustuhin ko!
"Malapit lang ang tinitirhan ko rito. Kaya ko nang lakaring mag-isa," mahinahong saad ko.
"Malapit na lang naman pala, e. Ihahatid na kita. Kaya mo pa bang maglakad?" marahang tanong niya. "Kung hindi mo na kaya, pwede naman kitang buhatin. Kung ayaw mo, may sasakyan din ako," dagdag niya.
Umiling ako. "Diyan lang ako sa may suites sa pagliko. Iyong pinakamalapit na suites," paglilinaw ko.
"Oo, alam ko iyon. Tatawid ka pa kaya ihahatid na kita. It's either tatawid ka sa kalsada or aakyat ka pa sa overpass."
Bigo akong nagpakawala nang mahabang buntong-hininga at pumikit. Nakalimutan kong tatawid pa nga ako. At baka mahagip pa 'ko ng sasakyan. Hindi ko rin kayang umakyat ng overpass mag-isa sa kondisyon ko. Sa dulo'y tumango na lamang ako sa kanya.
Hindi ko inasahan ang sumunod niyang ginawa. Binitawan niya ang pagkakahawak sa akin at mabilis na nagtungo sa aking harapan. Bago pa 'ko masubsob ay sinalo niya na kaagad ako.
"Tsk, ang dami mong alam. Pwede mo namang sabihing bubuhatin mo 'ko, hindi iyong may patrik-trick ka pa," iritadong ani ko nang wala na 'kong magawa kung hindi ang sumakay sa kanyang likuran.
"Hindi ka papayag kung sinabi ko. At least, ngayon wala kang choice," nakangising aniya nang lumingon sa akin. "Alis na tayo. Kumapit ka nang maigi," sunod na sambit niya.
There's something in his voice that made me follow his order. When he felt that I tightened my grip on him, he started walking at a slow pace.
"Nage-enjoy ka siguro sa nangyayari, ano? Napakabagal mo namang maglakad," kumento ko nang makaakyat kami ng overpass.
Pinanatili ko ang tingin sa kanyang batok. Takot talaga ako sa mataas na lugar kaya hindi ako dumaraan dito hanggang kaya kong iwasan.
"Sino'ng mage-enjoy sa ganitong pangyayari? Ang bigat-bigat mo kaya. Mas mabigat ka pa sa isang sako ng bigas."
BINABASA MO ANG
Unforgettable Mistake ✓
Chick-Lit[COMPLETED] One night of celebration turns into pleasure. Are they ready for the consequences of their action? Started: April 24, 2021 Ended: July 18, 2021