CHAPTER 28

83 2 10
                                    

#UnforgettableMistake

CHAPTER 28
Birth

I took a taxi back to the hotel. Alam kong nakasunod sa akin ang sasakyan ni Phoenix ngunit wala akong pakialam. Nagpapahinga na sana ako ngayon sa condo niya kung hindi siya nakipag-away kay Daniel. Isa pa ang lalaking iyon!

Ang sakit talaga sa ulo ng mga lalaki!

Kaagad akong nagbayad at bumaba ng taxi. Tulad ng totoo kong plano, nag-check in ako sa hotel. I used the company card to pay for the room. I might as well use my privilege for the last time. 

The bellboy assisted me until we reached the deluxe room. Napasabunot ako dahil wala pala 'kong damit. I texted Luckson to see me in my room. Hindi ko alam kung nandito ba siya pero may iuutos ako kaya sana'y nandito siya.

I immediately went to open the door when the doorbell rang. 

"Luck--" Hindi ko natapos ang pagtawag nang makita kung sino ang nasa labas.

Magkasalubong ang mga kilay ni Phoenix, ngunit nang magtama ang paningin namin ay pinaghiwalay niya iyon. Umayos siya ng tayo at pinagpag ang suot niyang wala namang dumi. I only raised my brow at him.

"Luckson's not here." He shrugged. Tumingin siya sa likod ko kaya napagilid ako upang mas makita niya. My jaw dropped when he walked inside my room without my consent.

Nanatili akong nakatayo at hawak ang doorknob kahit tuluyan na siyang pumasok sa room ko. Ang kapal naman ng mukha nito! Hindi niya 'to condo!

Malakas kong sinara ang pinto, ngunit hindi man lang siya bumaling sa akin. I followed him until we reached the dining. My forehead creased when I saw him arranging food there. Saan niya nakuha iyan? Hindi ko napansing may dala pala siya!

"You'll stay here?" he asked when I went near him.

Pinandilatan ko lang siya at hinintay ang pagbaling niya sa akin. When he looked at me, he only raised his brows. Lumaylay ang mga balikat ko nang manatili kaming tahimik.

"Until my 16th week, I'll stay here. After no'n, aalis na 'ko." Hindi ko alam kung bakit ko sinasabi sa kanya 'to.

He pursed his lips as he nodded. Nang matapos siyang mag-ayos ay inaya niya 'kong kumain. Hindi na 'ko tumanggi dahil nagugutom na rin ako. Akala ko'y magtatanong siya kung saan ako pupunta pero nanatiling tikom ang bibig niya.

Kung hindi mo itatanong, hindi ko sasabihin. Bahala ka riyan!

"Hindi ka pa uuwi?" tanong ko nang matanaw na madilim na sa labas.

"I'll tuck you in."

Muling kumunot ang noo ko bago sumimangot. "What am I? A kid?"

"There's a kid inside you. 'Wag ka nang makulit. Let me put you to sleep." Hinawakan niya ang magkabila kong balikat at inikot ako para matulak niya 'ko papunta sa kwarto.

I was frowning the whole time. Paano ba naman kasi, siya pa ang nag-ayos ng comforter ko! Kaya ko na iyon! He also watched me as I did my night care routine! Nailang tuloy ako at hindi ko alam kung tama ba ang nagawa ko!

"Do you want me to read you a story?"

"Phoenix!" He laughed at my reaction.

Binato ko sa kanya iyong unan sa gilid ko na kaagad niyang nasalo. I rested my back on the headboard as I glared at him, who was busy laughing at me. Nang maglakad siya palapit sa akin ay napaiwas ako ng tingin. I know that I shouldn't be alone, but I couldn't stop myself if he's always here with me.

"Hindi ka pa aalis?" I stared at the television in front of me.

Umupo siya sa gilid ng kama, ilang metro ang layo sa akin. 

Unforgettable Mistake ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon