CHAPTER 25

66 4 1
                                    

#UnforgettableMistake

CHAPTER 25
Peace

From: Luckson

Don't forget to eat your lunch, and take your vitamins.

I just finished eating when I read Luckson's message. Ngumuso ako bago kuhanin ang vitamins na pinrescribe ng doktor bago ako lumabas ng hospital. It had been exactly five days since Luckson took me home. I stayed in the hospital for two days. Mabuti na lamang at may business trip ulit ang mga magulang ko. Hindi ko sila naabutan.

**********

One, two, three, four, five... Kaagad kong dinilat ang mga mata ko't bumangon mula sa pagkakahiga. Gulat na napatingin sa akin ang dalawang nurse na kasama namin dito sa loob habang nginitian lamang ako ni Dra. Dela Cruz.

"I can't say that you made the right decision because I don't know your life, but I'm happy that you choose to keep the baby with you." She smiled.

Inalalayan nila 'ko pabalik sa wheelchair. Hindi ko sila matitigan sa mga mata dahil nahihiya ako sa ginawa ko. I thought I already made my decision. I thought I would choose myself this time, but I was wrong about it. I couldn't choose myself. I grew up choosing what would benefit others that I've forgotten how to choose myself.

And I think that was the greatest thing that I've learned in my whole existence. I'd rather choose my child over myself. At kahit ulit-ulitin pa natin 'to, siya at siya pa rin ang pipiliin ko. If wanting to keep my baby meant surrendering my life, then I'd gladly do it. I'd gladly give up my life and make my baby feel loved.

"This is my work, but I'm not numb. Whenever I did an abortion, my conscience's pestering me at night." Inabot niya sa akin ang isang bottled water. "I'm just doing my job. Hindi ko ginustong pumatay ng walang muwang na bata. Iyon ang lagi kong pangumbinsi sa sarili ko pero kahit na trabaho lang iyon, hindi ako napapanatag." Umupo siya sa katapat na upuan kung nasaan ang wheelchair ko. "Kaya masaya ako sa naging desisyon mo. I may not know what you've been going through, but I want to say that I'm proud of you. You're a strong woman. I know you can get through this."

Luckson and I remained quiet as he brought me back to my private room. Kinaumagahan ay nagsabi ng mga paalala ang doktor sa amin bago ako tuluyang i-discharge. Sinamahan ako ni Luckson hanggang sa mahatid niya 'ko sa bahay. I was really nervous to see my parents, and it was such a relief that they weren't home. Hindi ko pa kayang sabihin sa kanila 'to

**********

Maraming trabaho, ngunit inayos ko ang schedule ko. The doctor said that I shouldn't be stressed out like what happened last time kung ayaw kong mauwi na naman sa ospital. Binawasan ko ang trabaho at in-assign sa iba iyon. I also brought the files I'd be needing here at home. Dito na rin ako sa bahay nagta-trabaho dahil kailangan ko pa ng pahinga. I texted Luckson that I already took them before going back to work.

The next days flew quickly. Hindi maiiwasan ang paglaki ng tiyan ko. Wala pa rin akong sinabihan maliban kay Luckson. Nanumpa siyang hindi niya ipagsasabi kahit na sa mga kaibigan namin. At alam kong tahimik na tao talaga siya.

Bumili ako online ng mga maluluwag na damit upang matago ang tiyan ko. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako ready na ipaalam sa iba ito. Alam ko naman kung ano ang una nilang itatanong sa oras na sabihin ko ang pagbubuntis ko.

'Sino ang ama?' Iyan ang hindi ko kayang sagutin.

Was it really him? I was sure that I only did it that night. Ang hindi ko lang alam ay kung siya ba talaga iyon. Paano kung ginamit lang ang pangalan niya? Sikat siya, paano kung sinisiraan lang siya? Pero kung gano'n ang nangyari, paano naman ako? Paano iyong anak ko?

Unforgettable Mistake ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon