CHAPTER 17

62 2 23
                                    

#UnforgettableMistake

CHAPTER 17
Girls' Out

I did some stretching as soon as I woke up. Today's the last day of the month, and tomorrow's the first day. Sa mga araw na 'to walang trabaho kaya pinayagan ako ni Mrs. Quetro'ng mag-day off. Ang sabi niya'y hindi niya raw ako aabalahin kahit na may biglang dumating. And, I'm really thankful for that. 

My plan for this day was to sleep all day, but for some reason, I couldn't. Hapon nang matapos ako sa pag-aayos. I thought of hanging out with Marvin, but he wasn't answering his phone since earlier. 

May trabaho kaya siya ngayon? Ang alam ko'y sa susunod na linggo pa ang release ng kanta niya. Lumaylay ang magkabila kong balikat nang maisip na sikat na siya ngayon. Marami nang nakakikilala sa kanya. Marami na siyang taga-hanga. Hindi na kami pwedeng pumunta sa mga pampublikong lugar.

Ngunit ito naman ang gusto ko sa kanya simula pa noon, hindi ba? I know he'd make it, and look at him now. Unti-unti niya nang naaabot ang pangarap niya at ang pangarap ng nanay niya para sa kanya. But I couldn't stop myself but feel strange about his popularity.

I know I should be happy that finally, he's getting what he truly deserves, but I—I couldn't find myself to be delighted. I wanted him for myself, but I know it was ridiculous. I wasn't in the position to be selfish. He supported my career. I should, too, to his.

For how many times this day, I dialed his number. I put it in the loudspeaker because I couldn't put my cell on my ear. Alam kong hindi siya sasagot kaya ganito ang ginawa ko. I didn't want my hopes to get high, but I'm still hoping.

"The number you are calling is unavailable."

Mapait akong ngumiti nang mamatay ang tawag. Kanina'y open pa ang phone niya, ngunit ngayon ay nakapatay niya. Did he purposely do it? Hindi naman siguro. I wanted to make it up to him for the past days that I turned him down, but he was the one who wasn't available today.

Upang hindi masayang ang pag-aayos, ang mga kaibigan ko na lang ang niyaya ko. It was such a relief that today was Saturday. Wala silang ginagawa kaya pumayag silang makipagkita sa akin. Hindi nga lang pwede si Luckson dahil night shift siya ngayon sa hotel.

Not that I wanted him to come. Mas maganda nga'ng wala siya dahil sawang-sawa na 'ko sa mukha niya. Sa araw-araw ba naman ay siya ang nakikita ko. Kailangan ko rin ng pahinga mula sa kanya. 

Wala ang mga magulang ko ngayon dahil nag-out of town sila. Payapa akong umalis ng bahay. Sinabi ko sa mga kasambahay namin na 'wag na silang maghanda ng hapunan at kakain ako bago umuwi.

**********

On my way, dinaanan ko si Chel dahil nasa iisang subdivision lang kami nakatira.

"Chel!" kaagad na sigaw ko nang buksan niya ang pinto ng passenger's seat.

Pairap niyang tinakpan ang kanyang magkabilang tainga at nahinto sa paggalaw kaya natawa na lamang ako.

"Ang ingay-ingay mo pa rin, Oli," kumento niya nang tuluyan siyang makasakay.

"I miss you, Chel," sagot ko.

Nakangiti lang siyang umiling sa akin.

"Kahit kailan talaga, ang clingy mo."

"Mabuti nga't 'di ako nagbago, e!" depensa ko.

"Umalis na nga tayo. Baka maghintay pa iyong dalawa."

"Nyenye. Matagal pa sila ang layo kaya nila rito," ani ko pero nagsimula na ring magmaneho.

Unforgettable Mistake ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon