#UnforgettableMistake
CHAPTER 26
Rage"You're awake."
Muli akong napapikit nang masilaw ako sa liwanag mula sa araw. I closed the curtains before I fell asleep. Pumasok ba si Manang Helia rito? And what for? Hinawakan ko ang tiyan ko bago umupo at isandal sa headboard ang likod ko.
Saglit ko pang hinanap ang wisyo ko bago dahan-dahang dinilat ang mga mata. My room wasn't a mess. Malinis ang lahat maliban sa kama kong nagulo dahil sa pagtulog ko. Then I looked at my tummy. A smile formed on my lips as I felt it getting bigger. I was almost done with my first trimester, so my morning sickness was getting better.
"I cooked you breakfast."
I'm preoccupied with my baby that I haven't noticed that I wasn't alone in my room. Ang ngiti ko'y unti-unting nawala at halos kitilan ako ng hininga nang makilala ang boses na iyon. Naghari ang takot sa buong sistema ko. Ang matagal kong iniiwasan at kinatatakutan ay narito na sa harapan ko.
Nanginig ang kamay kong nakahawak sa tiyan ko kaya pinatong ko ang isang kamay ko roon. I couldn't look at him. I didn't want to see the disappointment in his eyes. I lived my life trying to please them, trying to please him.
I love my parents, but I couldn't be me without my child. I wasn't alone anymore. There was already a kid living inside me.
"Eat your breakfast, then we'll talk," he said in a dismissive tone.
Dahil sa takot, kaagad akong tumayo. Hindi pa rin ako makatingin sa kanya kahit na alam kong pinapanood niya ang bawat galaw ko. I wanted to beg for his forgiveness, but I was afraid that he wouldn't forgive me.
I sat in front of the small table inside my room. He cooked nutritious food for me. Kahit nanginginig pa rin ang mga kamay ko, sinubukan kong kumain. Ayaw kong umiyak sa harapan niya, kaya sa bawat pagsubo ko, sinasabay ko sa paglunok ang sakit, takot at nagbabadyang luha.
Wala akong ganang kumain, ngunit inubos ko ang luto niya. Hindi ko na nga nalasahan pa iyon dahil kung saan-saan tumatakbo ang isip ko. Paano kung ito na ang una't huling beses na lulutuan niya 'ko? Paano kung lahat ng ginawa kong pagsisikap para sa kanya'y bigla na lamang maglaho?
"You're done. Let's talk," mahinahong aniya.
Muling bumilis ang tibok ng puso ko. Natatakot ako sa kung anong pwede niyang sabihin. Natatakot ako sa magiging reaksyon niya. Natatakot ako sa mga mangyayari. Natatakot ako pero wala akong magagawa kung hindi ang harapin ito ng mag-isa.
Ipinagsalikop ko ang mga daliri ko nang maupo ako sa dulo ng kama ko. Hindi siya umupo, nanatili siyang nakatayo at nakatanaw sa bintana ng kwarto ko.
"I..." Pinikit ko ang mga mata ko nang magsimula siyang magsalita. Namuo na ang luha sa mga mata ko at wala na 'kong balak pigilan pa sila. "I already know about your pregnancy," nahihirapang aniya. Ang bawat sakit na nakapaloob sa mga salitang binigkas niya ay mabilis na tumagos sa puso ko.
Nasaktan siya dahil sa pagbubuntis ko. Malamang! Sino ba ang hindi masasaktan doon?! Maski ako nga ay nasaktan, pero pinili ko pa rin namang lumaban, e. Noong una, sa sobrang sakit at sobrang laking responsibilidad, sinubukan kong isuko, pero hindi ko pala kaya. Hindi ko kayang isuko ang anak ko kahit pa alam kong marami akong masasaktan at maraming sakit ang mararamdaman ko.
"Let's not waste our time, Daphne." I could sense that he looked at me. Himigpit ang kapit ko sa mga kamay ko nang maglakad siya palapit sa akin. "Who's the father?" At iyon na nga ang tanong na hindi ko kayang sagutin. Ang tanong na magiging dahilan kung bakit ko sila sobrang madidismaya. "Is it Phoenix? Anong sabi niya? Inalok ka ba niya ng kasal?" tuloy-tuloy na tanong niya.
BINABASA MO ANG
Unforgettable Mistake ✓
ChickLit[COMPLETED] One night of celebration turns into pleasure. Are they ready for the consequences of their action? Started: April 24, 2021 Ended: July 18, 2021