#UnforgettableMistake
CHAPTER 7
RegretI was already ready to go, just waiting for him to come. Masyado ba 'kong napaaga? Binalingan ko ang wall clock at nakitang alas tres na ng hapon. Medyo maaga pa nga bago ang nakatakdang oras nang pagsundo niya sa akin.
Tumayo ako ng kama at saka lumapit sa body mirror upang pasadahang muli ng tingin ang aking suot. Open place ang pupuntahan namin kaya kailangan ang preskong damit. I chose to wear denim shorts and a white off-shoulder top. To complete my outfit, I wore my cousin's gift—the LV's Time Out Sneaker.
I was satisfied with my choice of clothes, so I sat on my single bed again. Nasaan na ba si Marvin? Umusog ako sa pinakadulo ng kama at saka sinilip ang baba. I saw a brand new white Lexus RX parked in front of the entrance. My forehead creased. I haven't seen it before. Could it be him?
Nakumpirma ang iniisip ko nang makita ko kung sino ang bumaba mula sa sasakyang iyon. Pinanood ko siyang lumapit sa gwardya at makipag-usap dito. Bago pa niya 'ko tingalain ay kinuha ko na ang shoulderbag ko at lumabas na ng kwarto.
I told Luckson last night that I'd be gone for today. Hindi siya nagtanong kaya ipinagkibit-balikat ko na lamang iyon. Basta ay nagpaalam ako.
"What a fancy car you have," I greeted when I stepped out of the building.
Kaagad nakuha ng boses ko ang atensyon niya mula sa gwardya. I didn't know when did they become this close? Noong una'y sinasamaan lang ni kuya ng tingin si Marvin. Ano kayang pinakain niya rito at biglang nagbago?
"Nandiyan na pala, kuya. Ibabalik ko rin po bago lumalim ang gabi," rinig kong sambit niya bago lumapit sa akin.
Nakahalukipkip ako nang huminto siya sa aking harapan. Suot-suot niya ang kanyang malaking ngiti habang nakatitig sa mukha ko. Tsk, hindi mo ko madaraan sa ganiyan.
"Baka gabihin tayo kung 'di ka pa gagalaw riyan," pagbasag niya sa katahimikan sa pagitan naming dalawa.
Umirap na lamang ako bago lumakad patungo sa kanyang mamahalin at walang gasgas na sasakyan. Tikom ang aking bibig dahil ayaw kong marinig pa ni kuya guard ang sasabihin ko kung magkataon. Baka kung ano pa ang isipin niyang hindi maganda.
"Mag-iingat po kayo. Iuwi niyo po ng ligtas si Ma'am," masayang wika ng gwardya bago ako pumasok ng sasakyan.
Hindi ko na narinig pa ang sagot ni Marvin dahil nasa loob na ako. Umaasa lang talaga ako na wala siyang sinabing kalokohan. Lagot lang talaga siya sa akin!
"Alis na tayo," mahinang sambit niya bago paandarin ang sasakyan.
I only looked at the window, not wanting to say a thing. Wala akong maisip na sasabihin kaya pinanood ko na lang ang mga dinaraanan namin.
"I'll park at the parking lot of SM Manila, ta's lakarin na lang natin patungong Intramuros?" tanong niya kaya napabaling ako sa kanya.
Tumango ako. "Sige, gano'n na lang."
Ginawa niya ang sinabi niya. Iniwan namin ang sasakyan niya sa parking lot ng mall at nilakad ang natitirang distansya patungo kung saan ang aming destinasyon. For my almost a year living here in the city of Manila, ngayon lang ako nakapasyal ng ganito. My squad met at least once per semester pero hindi kami pumupunta sa mga parke tulad nito. Kami ni Luckson? We're stuck inside the four sides of our units.
Pinanatili ko ang dalawang metrong distansya sa amin ni Marvin habang naglalakad. Suot-suot niya sa kanyang kanang balikat ang kanyang guitar case kaya mahirap na. Kailangan kong mag-doble ingat. Hindi biro ang mahampas ng gitara sa noo. Masakit iyon, as in super!
BINABASA MO ANG
Unforgettable Mistake ✓
ChickLit[COMPLETED] One night of celebration turns into pleasure. Are they ready for the consequences of their action? Started: April 24, 2021 Ended: July 18, 2021