CHAPTER 30

65 2 2
                                    

#UnforgettableMistake

CHAPTER 30
Calm

Hindi pa sumisikat ang araw nang pumunta 'ko sa resort. I only walked my way there, para na rin mapanatag ang kumakabog kong dibdib. I've been working for quite a while now, but I could still feel my heart beating loudly because of nervousness when the day of the event I was working on came.

Dadalhin ko yata ang kabang 'to hanggang sa huling event na io-organize ko.

Isa na rin siguro kung bakit doble ang kaba ko ay dahil wedding anniversary ng magulang ni Phoenix ito. Hindi ako p'wedeng magkamali. Pinagmalaki ba naman ako ni Phoenix kina Tita kaya ayaw kong ma-disappoint sila.

"Good morning, Miss Daphne."

I smiled at the receptionist who greeted me. It had been years since someone called me that. Umiling lang ako nang may pumasok sa isipan ko. Walang dahilan upang isipin ko pa iyon. It was all in the past. Pare-pareho kaming masaya na sa mga buhay namin ngayon.

As long as Connor doesn't need him, everything's fine this way.

Kaagad akong nagtungo sa may beach upang tingnan kung maayos na ba ang lahat. Katulad kong maaga, marami na rin ang naroon. Inaayos na ang mga circular tables na mayroong magagarbong disenyo. Nakalatag na rin ang mahabang lamesa sa gilid para sa buffet mamaya. Iyong projector screen ay naroon na rin sa harapan para sa video na ipe-play mamaya.

Almost all are set, but I'm still worried about the outcome. I want to remove the negative thoughts in my head, but I don't know how to.

Mariin akong pumikit at dinama na lang ang paghampas ng hangin sa balat ko. I put my trust in You, as You put your trust in me. Malalim akong huminga bago ngumiti at dumilat. Saktong nakita ko si Bhea na kalalabas lang mula sa hotel.

She's my assistant for this event. Hindi ko alam kung saan siya nakuha ni Tita pero magaling naman siya at marami kaming pagkakatulad kaya naging magaan din kami sa isa't isa.

"Late na ba 'ko?" natatarantang tanong niya nang makalapit sa akin at tumingin-tingin sa paligid.

"Ang aga mo pa kaya. Masyado lang akong excited," sagot ko kaya napahinga siya nang maluwag.

We inspected at the last minute. Nang sumikat ang araw ay patuloy pa rin kami sa pagtingin sa venue. Maayos na ang lahat, ngunit may dinadagdag pa ang iba. Mga kilalang tao kasi ang mga bisita at mga kamag-anak ni Phoenix. This is a big event, but Tita didn't want it to be grand.

"Mauna ka nang kumain ng lunch. Ako muna ang magbabantay tapos ako naman ang kakain pagtapos mo," sabi ni Bhea habang binabasa ang hawak na libro.

Nakaupo lang kami sa may balcony na nakaharap sa may beach upang tanaw pa rin namin ang lahat. Saglit ko pang tinitigan kung saan gaganapin ang event mamaya bago tumango sa kanya. Bibilisan ko na lang para makakain na rin siya.

We didn't want any room for mistakes here. 

Kaagad akong pumunta sa pinakamalapit na restaurant. Marami kasing kainan dito sa resort pero hindi naman ako turista kaya kahit saan lang ay p'wede ako. I just need to eat, that's all.

Namilog ang mga mata ko nang makita ang menu sa restaurant na pinasukan ko. Freak! I didn't imagine that I'd ever feel this way, iyong magugulat ka sa presyo ng pagkain, dati kasi'y basta order lang ako at abot ng card.

Ilang taon na ba ang nakalipas? Bakit kasi nasa bahay lang ako? Ngayon ko lang tuloy nakita ang napakaraming pagbabago sa buhay ko.

In the end, I ordered salad and water. Iyon kasi ang pinakamura. Kakain na lang ako pag-uwi. Mas mura pa ang magluto na lang kaysa ang kumain sa restaurant. Palibhasa kasi'y pati ang effort nila sa pagluto at pag-serve ay kasama sa presyo. Though, it's not really their fault.

Unforgettable Mistake ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon