CHAPTER 29

76 2 2
                                    

#UnforgettableMistake

CHAPTER 29
Opportunity

I immediately went out of our room the moment I noticed that Connor's not sleeping beside me. Ni wala pa 'kong ayos nang lumabas. Kaagad kong nakita si Ate Kally sa kusina na nagluluto ng almusal. 

My sight was still blurry since I just woke up, but I managed to walk to her. Hindi ko na kailangang makita kung anong hinahanda niya dahil amoy pa lang, alam na alam ko na. As always, fried foods and nutritious foods for Connor. 

"Where--"

"Nasa may dalampasigan ho sila, naglalaro kasama si Sir," kaagad na sagot ni Ate kahit na hindi ko pa natatapos ang tanong.

From Ate Kally, I gazed at the glass window in the living room. Tanaw ko mula rito si Connor na hila-hila ang laruan niyang kotse habang hinahabol siya ni Phoenix. My lips rose to form a wide smile when Phoenix caught and carried him. Connor looked so happy, and that made me happy, too.

"Mukha ho talaga silang mag-ama," kumento ni Ate Kally na nakatingin din pala sa dalawa.

Nakangiti lang akong bumaling sa kanya bago bumalik sa kwarto upang mag-ayos ng sarili. I knew I could do this alone, but I was really grateful that Phoenix was with me throughout. Hindi ko alam kung paano siya pasasalamatan sa lahat ng ginawa niya para sa 'min ng anak ko.

I know I was selfish for keeping him with us, but it was his choice. I could push him away, but I couldn't find myself doing it. I guess it was our choice to stick with each other.

After cleaning myself, I headed to the kitchen. Nakahain na sa lamesa ang mga pagkain kaya nagkibit-balikat na lang ako. Hindi ko natulungan si Ate ngayon dahil napuyat ako kagabi. I thought being a freelancer meant you'd have a favorable time with yourself, but it wasn't always the case. You should also know your capacity. Naparami kasi iyong tinanggap kong trabaho. Iyong iba pa ro'n ay rush kaya kinailangan ko talagang magpuyat.

"Ako na ang tatawag sa kanila, Ate." Hindi ko na hinintay pa ang sagot niya at lumabas na.

I only wore my white slippers, para hindi mahirapang maglakad sa buhangin. It took me lots of steps before stopping meters away from where they were. Connor jumped with joy when he saw me. Hindi na 'ko lumapit pa sa kanila dahil ayaw kong mabasa. Kaagad binuhat ni Phoenix si Connor na hawak-hawak ang laruan niya bago sila nagtungo sa 'kin.

"You should've woke me up," I said the moment he stopped in front of me.

"Yow werw tirewd," Connor answered, making me chuckled.

Kaagad kong pinunasan ang basang mukha ni Connor. Kukuhanin ko na dapat siya kay Phoenix, ngunit ayaw niyang humiwalay rito.

"He's wet. Ako na lang ang magdadala sa kanya," nakangiting ani Phoenix at saka hinagis-hagis si Connor na naging dahilan nang pagtawa nito.

"Take care of him."

"Yes, mother." Phoenix chuckled when Connor mimicked what he said. Napailing na lang ako at naunang naglakad pabalik.

I sat at the table while they went to the bathroom. Hinayaan ko si Phoenix na paliguan si Connor dahil palagi niya namang ginagawa iyon. Mas masaya nga si Connor kapag siya ang gumagawa no'n. I didn't know about those two, parang dati ay hindi mahiwalay sa 'kin si Connor pero ngayon ay gustong-gusto niya na kay Phoenix.

"Here comes the train, open your mouth," Phoenix affectionately said before swinging the spoon and, finally, putting it in Connor's mouth. 

Paulit-ulit nilang ginawa iyon hanggang sa maubos ni Connor ang pagkain niya. 

Unforgettable Mistake ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon