#UnforgettableMistake
CHAPTER 5
Funeral"Male-late na tayo, lumabas ka na riyan!" sigaw ni Luckson mula sa labas.
Ngumiwi na lamang ako sa ingay niya. Binilisan ko ang paglagay ng lipstick bago ipasok sa bag iyon.
"Ang overacting mo talaga, forty minutes pa," iritadong sambit ko nang lumabas ng unit.
"Gusto mong sumabay sa 'kin pero ang kupad-kupad mong kumilos," inis na singhal niya bago lumakad patungo sa elevator.
Nakasunod lamang ako sa kanya. Hindi na 'ko nagsalita pang muli dahil ayaw kong gatungan pa ang inis niya. Mamaya'y hindi siya magluto, paano na lang ang hapunan ko?
Tahimik at mibibilis ang bawat hakbang ni Luckson, wala akong nagawa kung hindi ang gayahin siya. Kaya nang makarating sa JB, hingal na hingal na 'ko. Huminto ako upang habulin ang aking hininga, ngunit hindi iyon napansin ni Luckson. Patuloy lang siya sa mabilis na paglakad. Nakatanaw lang ako sa kanya hanggang sa makapasok na siya sa loob ng peace arch at matabunan ng ibang estudyante.
Sandali pa 'kong nakatayo lamang sa harapan ng JB, hanggang sa mapagdesisyunan kong lingunin na ang statue, kung saan siya laging nag-aabang. Ngunit sa kasamaang palad, wala siya roon. Wala ang baliw na lalaking laging naghihintay sa akin.
Oh, what? What did I just say? Hindi masamang palad ito! Masaya dapat dahil wala siya! Walang manggugulo sa akin!
Bago pa 'ko mainis sa sariling iniisip ay sumunod na 'ko kay Luckson, ngunit bago tuluyang makapasok sa arch, muli akong lumingon na kaagad kong pinagsisihan.
"Ano ba'ng problema mo, Oli?" bulong ko sa aking sarili bago bilisan ang lakad.
**********
"What do you think about this..." Hindi ko nasundan ang sinabi ng kagrupo ko.
Tulala lamang ako sa may bintana, kung nasaan ang peace garden sa loob ng aming campus. I think this part of our school is the holiest. Amoy na amoy mo ang holy water sa tuwing daraan ka. Mahihiya ka tuloy gumawa ng kalokohan.
"Saan na nakarating ang isip mo?" Nagising ako sa pagd-daydream nang marinig ang bulong ni Daniel sa gilid ko, ang aming leader.
"Nandito pa rin sa harap ng MD, na-traffic, hindi nakagalaw ang dami raw kasing harang sa CEU," lokong sagot ko na naging dahilan ng aming pagtawa. Kaagad nga lang kaming tumigil nang sitahin ng prof.
"Saan ka pupunta?" Handa na 'kong kumain sa canteen nang bigla akong pigilan ni Daniel. "Hindi ka kasi nakikinig kanina kaya hindi mo alam na may group meeting tayo sa library," dagdag niya.
Napanganga at tango na lamang ako sa kanya. Hindi ko nga alam, hindi ko narinig, e.
"Ano'ng oras ba?"
"After class. Ano'ng oras ba last class mo?"
"3:30 pm, kayo ba?"
"Until 4 pm pa 'ko," nahihiyang sagot niya.
"Gawa ka na lang kayang gc tapos doon na lang tayo mag-usap?" suhestiyon ko.
"Sige, gano'n na lang ang gagawin ko. Kakain ka na ba?"
Napanguso ako sa biglaan niyang pagtanong. Iba ang program niya sa akin. Naging magkaklase lang kami dahil sa minor subject. Pero leader namin siya. Siya ang gagawa ng peer evaluation kaya dapat akong makisama.
"Oo, samahan mo 'ko?" tanong ko na naging dahilan ng kanyang pagngiti.
No wonder why he's popular, he's indeed handsome, ngiti pa lang ay panalo na.
BINABASA MO ANG
Unforgettable Mistake ✓
Chick-Lit[COMPLETED] One night of celebration turns into pleasure. Are they ready for the consequences of their action? Started: April 24, 2021 Ended: July 18, 2021